‘Aking Xoe.’ Mapait na napangiti si Xoe sa narinig mula kay Jake.
Hanggang ngayon nakababatang kapatid pa rin ang turing ni Jake sa asawa. ‘Manhid ba siya na di maramdaman ang pagmamahal ko sa kanya? O baka naman magaling lang talaga akong magtago ng emosyon at nararamdaman ko para sa kanya?’
Sa dalawang dekada nilang magkakilala mula pa noong anim na taong gulang pa lamang si XOe hanggang sa tumuntong siya ng dalawampu’t anim, hindi man lamang napansin ni Jake ang pagmamahal na pinaparamdam ni XOe para sa kanya.
‘Sana ako nalang si Kendra, na hahabul habulin niya kapag nawala sa kanya.’ sabi ni Xoe sa sarili.
Tila ba may kung anong tumusok sa tiyan ni Xoe nang bigla siyang nakaramdam ng matinding pananakit sa kanyang puson. Muling may tumulong pulang likido sa pagitan ng hita ni XOe. At dahil nasa harapan niya si Jake ay kinakailangan niyang isantabi ang sakit na nararamdaman at pinilit na magkunwaring walang nangyayari sa kanyang hindi maganda. Malalaking butil na ang mga pawis na naglalabasan sa kanyang katawan. Nanalalamig na din siya at namumutla.
“Okay ka lanag ba Xoe?” tanong ni Jake nang mapansin ang pamumutla ng asawa.
Agad na tumalikod si Xoe kay Jake upang hindi mahalata ang pamimilipit niya ng sakit.
“Masakit lang ang tiyan ko. Kailangan ko nang magbanyo. May kailangan ka pa ba? Kung wala na pwede ka nang umalis.”
“Doc,” tawag ni Yassie nang matanggap ang paiger notification mula kay Xoe.
“Sir.” Bati ni Yassie sa lalaking nakaupo.
Muling humarap si Xoe at sinenyasan si Yassie na tulungan siya.
“Ahh… Dok… Pinapatawag ka ni Doktora De Vera…”
“Ah sige. Sige.” sagot agad ni Xoe at tumayo na.
“Mauuna na ako, Jake. Puntahan mo na din si Kendra. Baka gising na iyon.” paalala ni Xoe.
“Okay.”
Nagmamadaling umalis si Xoe at Yassi na halos takbuhin nila ang pasilyo ng ospital.
“Dahan-dahan. Huwag ka na tumakbo. Baka madapa ka pa niyan.” sigaw na paalala ni Jake sa papalayong bulto nina Xoe.
Wala nang pakialam si Xoe kung nag-aalala ba talaga si Jake sa kanya bilang asawa o bilang kapatid lamang. Dahil ang inaalala ni Xoe ay ang bata sa kanyang sinapupunan.
***
Sa klinika ni Maggie ay agad siyang pinahiga sa kama at sinuring muli ang bata.
“Ano na naman ang ginawa mo? Kakacheck lamang natin sayo kanina.” Sermon ni Maggie sa kaibigan.
“Mas tumindi ang pagsakit ng puson ko. Sobrang sakit.” saad ni Xoe.
Natataranta namang palakad-lakad si Yassie sa loob ng kwartong pampasyente ni Maggie na ikinairita ng doktor. “Maupo ka diyan. Ako ang nahihilo sayo.”
Humingi ng paumanhin si Yassie at naupo sa bakanteng upuan malapit kay Xoe.
Ni isa sa kanila ay walang nagsalita nang ilapat na ni Maggie ang isang instrumento na nilagyan ng malamig na likido, sa tiyan ni Xoe upang mapakinggan ang tibok ng puso ng bata. Nakahinga sila ng maluwag nang marinig ang mahina ngunit tumitibok na puso ng isang maliit na sanggol.
“Nanganganib kang makunan.” anunsyo ni Maggie na ikinasinghap ni Yassie.
“Uulitin ko. Gusto mo ba ang batang ito o hindi? Kasi kung gusto mong manatili ang bata sa tyan mo, matuto kang umiwas sa nagpapagulo ng isip mo at magpahinga. Kasi kung hindi mo gagawin… Tuluyang mawawala ang bata dyan sa sinapupunan mo. Tandaan mo maselan ang pinagbubuntis mo ngayon kaya maghulos-dili ka.” Paalala ni Maggie.
“Bakit ba kasi ayaw mong ipaalam sa ama ng batang iyan?”
Yumuko si Xoe sa tanong ni Maggie. Kahit pa man ay magkaibigan sila, hindi niya sinabi kay Maggie ang totoong dahilan kung paano ito nabunits.
“D-dahil isa lamang itong aksidente.” Mahinang sagot ni XOe habang hinahawakang ang kanyang tiyan.
Huminga ng malalim si Maggie dahil sa narinig. “Kailangan mong ipaalam ito kay Jake. Aksidente man o hindi ang nangyari sa inyo, may inosenteng bata na angnandiyan at bunga ng sinasabi mong aksidente. At ama pa rin siya. May karapatan siyang malaman ito.” utos niya.
“P-pero…” mahigpit siyang hinawakan ni XOe sa kamay bilang pagpigil sa kaibigan.
“Ayokong ipaalam kay Jake ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil ayoko siyang mapilitan lamang na manatili sa akin. Gusto ko, ako naman ang piliin niya hindi dahil sa anak namin kundi dahil mahal niya ako.”
Nakagisnan ni XOe na magkahiwalay ang kanyang mga magulang. At masyadong magiging komplikado kung dalawang buntis ang magkasama sa iisang bahay… May mga kapatid nga nito pero hindi iisa ang magulang. Ayaw niyang lumaki ang anak niya sa mundo kung saan makakagisnan nito ang magulo at komplikadong pamilya.
Mas nanaisin na lamang ni Xoe na umalis siya kasama ag anak kaysa pahirapan ang anak at palakihin ito kasama si Jake na may ibang pamilyang mas pinahahalagahan.
“Huwag muna, Doc. Hayaan mo muna akong makapag-isip ng mabuti, bago ako magdedesisyon kung ipapaalam ko ba sa kanya o hindi.” saad ni Xoe.
Napailing na lamang si Maggie sa pagkadismaya sa sagot ng kaibigan. “Pag-isipan mong maigi. Kapakanan ng anak mo ang nakasalalay rito. At alam mo naman na kapag nakunan ka, kailangan ng mag-aalaga at titingin sayo. Alam mo naman siguro na sa sitwasyon mo, delikado din ang buhay mo, hindi lamang ang bata.” payo ng kaibigan.
“Alam ko,” mahinang sagot nito.
“Oh, siya. Ako na muna ang mag-iikot sa mga pasyente mo. Magpahinga ka na muna rito.” Saad ni Maggie.
“Salamat,” sagot ni Xoe at agad na nagbihis ng damit.
Sa kanyang pagbibihis, nilipad ng hangin ang papel na may nakaukit na kanyang pangalan. Iyon ay ang resulta ng kanyang laboratoryo kanina.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kasarian ng bata na kanyang dinadala.
“Babae?! Babae ang anak namin?!”
Nakaigting ang pangang mariin ang mga titig ni Jake kay Xoe na tila ba napapaso na si Xoe sa masakit na titig nito. Gayunpaman, hindi ito nagsalita at agad na binuhat ang asawa papalabas ng mall upang makalanghap ng sariwang hangin. Hindi alintana sa lalaki ang mga titig ng mga tao na kanilang nadaraanan at nakakasalubong.“Ibaba mo ako. Kailangan kong bumalik sa loob. Kailangan ko pang tulungan ang sales clerk sa paglilinis ng suka ko.” Sinusubukan ni Xoe na magpumiglas mula sa pagkakakarga sa kanya ni Jake.“Mahuhulog ka huwag ka nang gumalaw.” sagot nito.Nang makarating sila sa labas, ay agad siyang binaba ng lalaki.“Ilang buwan na iyan? Kaya ba gustong gusto mo nang mapawalang bisa ang kasal natin dahil dyan sa lalaking nakabuntis sayo? Sino ba iyan? Doktor? KAsama mo sa trabaho? Sino? Sagutin mo ako!” Hindi mapigilan ni Jake ang magtaas ng boses sa taas na kanyang emosyon na nararamdaman. Inis, pagkadismaya at galit. “Ano bang pinagsasabi mo?” Pagtatanggi ni Xoe.“Nahihilo ka,
Dumating sila sa mall na nakabusangot ang mukha ni Xoe. Habang patungo sila sa loob ng department store, nadaanan nila ang mga bilihan ng mga gamit ng mga pambata at mga pambuntis. Agad na napukaw ang atensyon ni Xoe sa isang manekin na may suot na damit ng pangbuntis. Bagamat nasa pangbuntis na mga paninda ito nakalagay, tila hindi mahahalata sa isang buntis na ina ang mag susuot nito. Isa itong maluwag na maternity dress na iyon at iniisip na ni Xoe na tipong kakailanganin niya itong damit sa mga darating na araw.Napansin naman ni Dustin ang paghinto ni Xoe sa isang manekin na nakasuot ng damit.“Bakit ka napahinto? Gusto mo na bang bilhin yan? Balak mo ba agad na magpabuntis sa boyfriend mo?” Nagtaas ng kilay si Xoe ng mapansin ang pagkasarkastikong saad ni Jake.“Napatingin lang ako. Masama ba? Tyaka mukha naman siyang hindi halatang pangbuntis. Sa katulad kong pusunin at malusog ng bahagya, bagay sa akin ang ganitong damit.” Pagtatanggol nito sa sarili.“Mataba ka na sa lagay na
Magkatapat silang nakaupo sa isang lamesa, ngunit ni isa sa kanila ay walang may gustong magsalita. Inorderan ng sopas ni Jake si Xoe, upang mainitan ang sikmura nito. Ngunit, ni isa sa kanila ang walang may gustong gumalaw ng pagkain. Parehong mga walang gana.Tulalang hinahalo halo lamang ni Xoe ang sopas. At kahit walang gana itong kumain dahil sa bigat na nararamdaman… Ay kailangan niyang kumain kahit kaunti. ‘May anak akong umaasa sa tiyan ko. Hindi ako pwedeng magutuman.’ PAalala ni Xoe sa sarili.‘Kailangan na naming bumalik sa munisipyo.’ Nagtaas ng kamay si Xoe upang magtawag ng waiter para hingiin ang bill ng kanilang kinain. Lumapit naman ang isang waiter at binigay sa kanila ang kanilang bill na babayaran.“Hindi ka pa nga kumakain. Ni hindi mo nagalaw iyang sopas.” Saad ni Jake.“Nawalan na ako ng gana.” Sagot ni Xoe.“Ubusin mo iyan.” Utos ni Jake at agad na kinuha mula sa kamay ni Xoe ang bill, pagkatapos ay dinukot niya mula sa kanyang pitaka ang kanyang card para sa
“Sa ayaw at sa gusto mo… Asawa pa rin kita. At ikaw lang ang asawa ko. Kaya may karapatan kang umupo sa tabi ko.”“...”Napaawang ang bibig ni Xoe at di makapaniwalang tumingin kay Jake na hindi na maipinta ang mukha.‘Bakit ka ba ganito? Ginugulo mo ang utak ko.’ Gustong sabihin ni Xoe iyon pero minabuti na lamang niyang manahimik.“Bakit ba kahit masama na ang pakiramdam mo, ay gusto mo pang unahin ang pag aasikaso ng annulment papers natin. Ganyan ka ba ka atat na humiwalay sakin?” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Xoe si Jake sa sinabi nito. “Siguro may lalaki nang naghihintay sayo at hinihintay lamang ang pagpapawalang bisa ng kasal natin.“Wow!” Sarkastiko itong natawa. “Ako pa talaga? Sa pagkakaalala ko ikaw itong gusto nang makipaghiwalay matapos bumalik dito ng Kendra mo. Gusto ko lang naman tulungan kang maging malaya sa akin.” Sagot ni Xoe.“Ikaw nga itong nagmamadali tapos nagdesisyon ka na agad na umalis ng bansa. At ikaw ang unang mang iiwan. Baka ikaw itong nagmamadali.
Pagkapasok nila, ay hindi inaasahan ni Xoe at Jake na maraming pupunta ng munsipyo. Ngunit lahat ng mga iyon ay nakapila sa mga magpaparehistro ng kasal. Ngunit kung gaano man kagulo at kaingay ang linya ng mga ikakasal, siya namang tahimik at tila nilalangaw na pwesto ng mga nagpapasa ng aplikasyon para sa annulment.“Mabuti at walang pila dito. Mabilis tayong matatapos.” Saad ni Xoe.Patuloy niyang hinila si Jake patungo sa pila ng mga nag-aaplay ng annulment. Umupo si Xoe sa upuan kaharap ng isang tagapagtala at inilabas ang mga papeles na kanyang inihanda sa para sa pagproseso ng kanilang annulment.“Mukhang naligaw ata kayo ng pila… Doon ang pila ng magpapakasal.” Saad ng isang aleng tagapagtala.“Ay naku hindi po kami magpapakasal. Andito po kami para ipagwalang bisa ang aming kasal.” Sagot ni Xoe na ikinaawang ng bibig ng babaeng kanyang kaharap.“Sigurado ka? At ngayong araw pa na ito?” tanong nito.“Opo. Bakit ano pong meron?” Naguguluhang tanong ni Xoe.“Hindi mo alam? Araw n
Matapos niyang tawagan ng ilang beses si Xoe ay sinagot na din ito agad ng babae. Sinabi niya ang lokasyon kung saan siya naroon bago pinatay ang tawag.Huminto si Jake sa harap ng hotel na tinutuluyan ni Xoe.Nasa labas naman ng lobby si Xoe, nakatayong naghihintay kay Jake. MAy hawak itong brown na envelop na naglalaman ng kanilang mga papeles. Agad siyang umayos ng tayo nang mapansin ang paglabas ni Jake sa kotse. Nakakunot ang noo ng lalaki na tila ba pinagsakluban ng lupa ang mukha.“Bakit umalis ka kagabi? Maayos na ba ang pakiramdam mo? May bahay ka naman bakit dito ka pa natulog?” Sunod sunod na tanong ni Jake kay Xoe.Nagtaas ng isang kilay si Xoe. “Bahay? Ako? Sa pagkakaalam ko pamamahay mo iyon.” Sarkastikong ngumiti si XOe. “Isa pa… HIndi ako komportable sa higaan ko masyadong makati ang kutson na hinihigaan ko. Daming surot.” Sagot ni Xoe.“Ang bahay ko, ay bahay mo.” Sagot ni Jake ngunit umiling na lamang si Xoe.Imbes na magsalita ay dumerecho na lamang ito sa kotse. Aga