Excited si Noah sa inihanda niyang surpresa para kay Amari. Ilang araw niya itong pinag-isipan at sana ay mapasaya niya ang dalagita. Titig na titig naman si Amari sa masayang mukha ni Noah na nakaakbay sa kanya at iginigiya siya patungo sa labas ng kanilang eskuwelahan. Pagkuwan ay nilingon siya ng binata at nagtama ang kanilang paningin. Kapwa lumakas ang pintig ng mga puso nila at hindi na nila magawang tanggalin ang titig sa bawat isa.“Noah!”Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Thiago ang bestfriend ni Noah. Nagsenyasan lang ang dalawang lalaki at walang naintindihan si Amari sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan.“Sorry about that. Let’s go!” masayang pagyaya ni Noah.Tumango lamang si Amari dahil pakiramdam niya ay nakaapak ang kanyang mga paa sa alapaap.Pinuntahan muna nila ang school bus ni Amari, kinausap ni Noah ang driver bago sila nagtungo sa lobby ng eskwelahan kung saan naghihintay na ang driver at dalawang bodyguard. Naka-park rin ang dalawang
Terakhir Diperbarui : 2025-12-01 Baca selengkapnya