Naramdaman ni Kara na may kung anong malambot na dumampi sa kanyang noo. Inaantok man ay napilitan siyang idilat ang kanyang mga mata.“Ma, I have a meeting with the Board at 9:00 in the morning,” sabi ni Marco sa misis na kailangan na niyang gisingin dahil nagising na rin ang anak nila habang nagbibihis siya. “Si Kyros gising na.”“Sige,” maiksing sagot ni Kara sabay yakap sa anak dahil inaantok pa siya. Ginanahan kasi siya magsulat kagabi ng script para sa bago niyang project at pasado alas tres na ng madaling araw siya natulog.“Mama, wok,” bulol na pagyaya ni Kyros sa ina. Tuwing umaga kasi kapag nagising na si Kyros ay dinadala na siya ni Marco sa lanai para doon maglakad-lakad lalo na kapag hindi naman kailangan ang lalaki sa opisina ng maaga. Nang makta ni Marco na tulog na ulit ang misis ay kumuha ng disposable diaper ang lalaki at pinalitan muna ng diaper ang anak at pajama. Ipapaasikaso na lamang muna niya sa kasambahay ang kanyang anak. “Don’t crawl, Kyros. Just sit ther
Last Updated : 2025-07-03 Read more