Mga paboritong pagkain nina Kara at Marco ang nakahain sa mesa kaya naman marami sila parehong nakain. Naging masaya rin ang kuwentuhan nila ng magkuwento si Reginald kung paano sila nagkakilala at naging magkaibigan ni Roger.Pagkatapos maghapunan masayang tumayo si Reginald.“Son, come with me. I’ll show you something,” pagyaya ng ama ni Kara sa kanyang manugang.Humaba naman ang nguso ni Kara. “Sila na ba ang mag-ama?”Napahagalpak nang tawa si Liv. “Men’s talk, I guess?”Nagkibit-balikat si Kara. Sinubukan niyang habulin ang dalawa na nakita niyang patungo sa library. “Dad, would you like some tea?” pa-cute na tanong ni Kara.“Sure, Muffin. Bring it in after 20 minutes,” nakangiting sagot ni Reginald sa anak na alam niyang nais sumama sa kanila.“Twenty minutes? Ano kayang pag-uusapan nila at hindi ako kasali?” curious na tanong ni Kara ngunit tila ang kausap naman ay ang sarili.Hinila siya ni Liv sa kusina at sinabing may ituturong iluto na ulam para maluto rin niya para kay Ma
Terakhir Diperbarui : 2025-05-19 Baca selengkapnya