Hello readers! Sorry kung walang update kahapon. Super pagod ako dahil sa ibang gawain at hindi ko natapos ang Chapter na ito kaya ngayon ko lang nai-post. Salamat sa patuloy na pag-aabang at pagbabasa. Please feel free to comment.
Kinakabahan si Allona sa paghihintay kina Marco at Kara. Alam niyang hindi siya welcome sa double celebration ngayon pero nakiusap siya sa kanyang stepfather kung puwede siyang sumama para subukang humingi ng tawad kay Kara.Nang makita niya na pababa na sa hagdan ang pamilya ay tumayo siya para salubungin ang mga ito. Walang anumang reaksiyon ang mababanaag sa mukha ng mag-asawang Marco at Kara nang lapitan sila ni Allona.“Kara, sorry I tagged along with my family. I wanted to say sorry for everything I have done,” nahihiyang sabi ng babae.Nanatiling nakatingin si Kara sa dating kaibigan. Hindi kasi niya alam kung sinsero ba ang paghingi ng tawad ng babae sa kanya. Naramdaman ni Kara ang kamay ng kanyang mister sa kanyang baywang kaya napalingon siya sa lalaki na nakatingin lamang sa kanya.“Tatanggapin ko kung hindi mo pa ako mapapatawad pero gusto ko pa ring mag-sorry,” dagdag pa ni Allona bago tumalikod.Nakalaya ang babae last week matapos makulong ng tatlong taon. Hindi nila i
“Move it to your right,” pagbibigay instruction ni Amari kay Noah.“Like this?” tanong ng lalaki.“A little bit farther,” sagot ng babae.“Here?” tanong ulit ni Noah.“Ako na lang kasi!” yamot na sabi ni Amari. “Ako na kasi ang nandiyan kanina, nangingialam ka pa!”Nag-volunteer kasi si Amari kay Marco na siya ang mag-a-ayos ng design para sa party ngayon. Pinagsabay na nila ang thanks giving sa transplant ni Kyros at gender reveal para sa ipinagbubuntis ni Kara. Pamilya at malalapit na mga kaibigan lang naman ang imbitado kaya dito na lang ulit sa bahay ng mga Baker naisipang gawin ang party.Maaga pa para sobra-sobrang magdiwang pero base sa mga test ni Kyros ay nagsimula na magproduce ng blood cells ang bone marrow ng bata, tatlong linggo na rin itong hindi nagsasalin ng dugo at ayon kay Xander ay magandang senyales iyon.“Baba ka na diyan sabi!” nanggigigil nang sigaw ni Amari.Sambakol ang mukha ni Noah na bumaba ng hagdan at inalalayan na lamang si Amari sa pag-akyat. Isinabit n
“Oo naman, kuya!” mabilis na sagot ni Amari. “It will make your relationship official.”“Magkalayo ang agwat ninyo ni Xander, baka sa iyo hindi pa kayo pero dahil pumayag ka magpayakap at halik sa noo at kung ilang buwan mo na siya pinapayagan nang ganyan… I think you have to clarify your relationship with him,” payo ni Marco. Natahimik si Amari at saka siya napaisip. Ano nga ba sila ni Xander? Ano nga ba si Xander sa buhay niya? Ang doktor lang kasi ang naglakas ng loob na manligaw sa kanya at nagpaalam pa ito ng pormal sa kanyang ina kaya naman tumaas lalo ang tingin niya sa lalaki. Maliban sa mga tingin ng doktor sa kanya minsan na puno nang pagnanasa at aaminin niya na nagpapatayo ito ng mga buhok niya sa braso at leeg, nararamdaman rin naman niya ang respeto at pag-aalaga ng lalaki sa kanya.Kumunot ang noo ni Kara nang makitang pumasok na sa procedure room si Xander kasunod ng iba pang doktor. Sabay na napalingon sina Marco at Amari sa tinitingnan ni Kara. Nasa parang viewing d
“Baby, sa room ka na lang kaya ni Kyros maghintay,” aburidong pakiusap ni Marco sa asawa.Napapikit si Kara sa kulit ng kanyang mister. Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan niya. “I said I will stay, Marco.”Natahimik ang lalaki. Alam niyang galit na ang asawa sa kanya pero hindi niya magawang hindi mag-alala. Mahigit apat na buwang buntis ang misis niya tapos gustong manood ng bone marrow transplant procedure ng kanilang anak dahil mas hindi raw ito makakampante sa loob ng silid ni Kyros.“I’m just worried for you and our Baby Avocado.” Parang bata na humaba ang nguso ni Marco.“Avocado?” kumunot ang noo ni Kara. Ibang prutas na naman kasi ang tawag ni Marco sa ipinagbubuntis niya.“Orange na ba?” seryosong tanong ni Marco.“What the heck, Kuya? Ginawa mong fruit cocktail ang pamangkin ko!” tumatawang komento ni Amari.“Lahat na yata ng prutas, naitawag niya sa baby namin,” nakasimangot na sabi ni Kara habang hinihimas ang maliit niyang tiyan.“I read. Ang sabi ang size nga
Mas naging madalas ang pagpunta ng pamilya De Guzman sa ospital magmula ng mayroon nang mag-match na bone marrow donors para kay Kyros. Naaawa man ang mag-asawa sa pinagdaraanan ng kanilang anak ay nananampalataya pa rin sila na hindi sila pababayaan ng Diyos.“Your child will be in a much worse condition if you do not seek medical treatment for him,” sabi ni Xander para palakasin ang loob nina Marco at Kara.“We will keep that in mind,” tugon ni Marco.Inihatid ni Xander ang pamilya sa hospital lobby dahil na-discharged na si Kyros matapos ang therapy ng bata.Pagdating nila sa bahay, naunang bumaba si Marco para kuhanin ang anak na nakaupo sa car seat habang sumunod naman si Kara ngunit napahawak ang babae sa pinto ng SUV dahil bigla na lamang umikot ang paningin niya.“Marco!” napasigaw siya sa takot.Tumutunog kasi ang tainga niya at saka umiikot ang paligid niya.Napasilip si Marco sa kabilang side ng SUV. Nang makita ang hitsura ng misis ay mabilis niyang ipinasa ang anak kay Emi
“Marco, I have good news for you, but I’d prefer to tell both you and your wife at the same time,” nakangiting sabi ni Xander kay Marco bago inilipat kay Amari ang tingin. “And, of course, to Amari.”Sapat ang lakas ng boses ni Xander para marinig ni Amari ang kanyang pangalan kaya umangat ang tngin niya sa doktor at nahinto sa planong paglalakad pabalik kay Noah.“Wait, I will call Kara,” ani Marco na iginala ang paningin para hanapin si Kara. Nang hindi niya makita sa sala ang babae ay tumayo ito para silipin sa kusina ang kanyang misis.“Sure,” maiksing sagot ni Xander na sinundan nang tingin si Amari nang makita niyang naglakad ang babae paikot ng mesa at iniabot kay Noah ang salad.“Thank you, baby!” matamis na sabi ni Noah. Halos pabulong lang iyon pero narinig pa rin ni Xander dahilan para magsalubong ang kanyang mga kilay na katamtaman ang kapal.Hindi pinansin ni Amari si Noah at naglakad patungo sa tabi ni Xander. Walang emosyong tinitigan ng doktor ang mukha ng babae pilit k