“You look gorgeous, Babe!” halos pahiyaw na sabi ni Santee nang makitang suot ng kanyang bestfriend ang binili nila kaninang black halter neck tie mini dress.“Same with you, Babe!” ganti ni Amari habang sinisipat ang itim na bodycon dress na suot ni Santee. Katamtamang makeup lang ang inilagay ni Amari sa kanyang mukha, habang si Santee ay nag-all-out dahil gusto raw niyang makahanap ng target na jojowain.Nagtabi sila sa tapat ng full-length mirror sa walk-in closet at nag-selfie. Pagbaba nila sa living room nina Santee, naroon ang mga magulang ng dalaga na kapwa nagulat sa transformation ng dalawa, na kanina ay naka-shorts at blouse lang.“Ang gaganda naman ng mga anak ko!” masayang sabi ni Mrs. Edeline Clark na lumapit sa dalawang dalaga.Inayos ng ginang ang strap ng bra ni Santee na bahagyang lumabas dahil sleeveless ang suot nito. Pagkuwan ay nilapitan naman niya si Amari para ilagay sa harap ang ilang buhok ng dalaga. “Ladies, enjoy and no hard drinks, please,” bilin naman ni
더 보기