Maingat na ipinarada ni Marco ang minamanehong sports car sa kalsadang katabi ng libingan ng mga magulang ni Kara bago nilingon ang misis na biglang nanahimik nang magsimulang pumasok sa sementeryo ang sasakyan.“Baby, gusto mo bukas na lang tayo dumalaw?” maingat na tanong ng lalaki sa kanyang asawa na biglang lumungkot ang mood.“I want to talk to them,” malungkot na sagot ni Kara habang nakatitig na sa kung nasaan ang mga magulang.“Puwede mo naman silang kausapin kahit nasaang lugar ka. Pero I’m sure they will be happy na bumisita ka rito,”pag-aalo ni Marco sa asawa.Bumuntong-hininga ang babae bago binuksan ang pinto ng sasakyan kaya mabilis na sumunod si Marco sa asawa.“Dad, Mom, Marco, and I are here. How are you?” tanong ni Kara at saka nag-squat para tanggalin ang mga nahulog na tuyong dahon ng puno sa lapida ng ama. “Daddy, ngayong magkasama na kayo ni mommy, m-masaya ka na ba?” Tila may bumikig pa sa lalamunan niya. “Pero daddy, masakit pala maiwan. Miss na miss ko na po
Terakhir Diperbarui : 2025-06-04 Baca selengkapnya