Elizabeth’s Point of View I couldn't just send Primo and Zychi home. Hindi ko rin naman alam kung aalis sila agad, dahil mukhang desidido si Zychi na sunduin si Cassiopeia kahit na kaya ko naman siyang iuwi ngayong araw.Kaya pagkatapos ng pag-uusap namin ni Primo, tahimik na lamang kaming bumalik sa loob ng bahay at hindi na nag-usap ulit. Hindi pa tapos si Corzi kay Cassiopeia nang bumalik kami, samantalang wala na sa sala si Kuya Alted at Zychi. Mukhang umalis para mas makapag-usap ng masinsinan. I went back to the kitchen and ate silently. Si Aurora ay hindi na sumunod sa akin dahil kinakausap na ng assistant ni Corzi. I wasn’t upset… I was more like, confused. Nagtataka ako kung bakit narito si Zychi at si Primo nang ganitong oras ngunit ngayon na naliwanagan na kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala ni Zychi kay Cassiopeia ay hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman.Isa pa, nag-aalala rin si Aurora kay Cassiopeia kanina lalo pa’t mukhang hindi nga maayos ang relasyon
Terakhir Diperbarui : 2025-06-10 Baca selengkapnya