Elizabeth's Point of View Sa huli ay hindi rin kami nakapagbook sa Green Court dahil hindi tinanggap ni Roel ang offer ko. Hindi ko na rin ipinilit ang gusto ko dahil masisira lang din ang reputasyon ni Roel kung pagbigyan niya nga ako. Nasa sasakyan na kami ni Aurora nang maramdaman ko ang paninitig niya. Nilingon ko siya at napansin na titig na titig nga siya sa akin. Ni hindi man lang siya nahiya na nahuli ko siyang nakatitig sa akin, kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Napabuntong-hininga naman siya, tila nahihirapan siya sa loob-loob niya. “Nakita kita sa lanai kagabi, mag-isang umiinom habang nakatunghay sa malayo. Hindi ko alam, pero parang may kakaiba sa’yo nitong mga nagdaang araw, Liza. Madalas ay nahuhuli kitang nakatulala sa kawalan at malalim ang iniisip. May problem ka ba? May bumabagabag ba sa'yo?” Nag-aalala niyang tanong. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at itinuon na lamang iyon sa hawak na tablet. Hindi ko alam na napapansin niya pala ang mga kinikilos ko. Nitong
Last Updated : 2025-07-07 Read more