Home / Romance / His Fake Wife / Kabanata 24.2: Nausea

Share

Kabanata 24.2: Nausea

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-07-07 14:58:27
Elizabeth's Point of View

Sa huli ay hindi rin kami nakapagbook sa Green Court dahil hindi tinanggap ni Roel ang offer ko. Hindi ko na rin ipinilit ang gusto ko dahil masisira lang din ang reputasyon ni Roel kung pagbigyan niya nga ako.

Nasa sasakyan na kami ni Aurora nang maramdaman ko ang paninitig niya. Nilingon ko siya at napansin na titig na titig nga siya sa akin. Ni hindi man lang siya nahiya na nahuli ko siyang nakatitig sa akin, kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Napabuntong-hininga naman siya, tila nahihirapan siya sa loob-loob niya.

“Nakita kita sa lanai kagabi, mag-isang umiinom habang nakatunghay sa malayo. Hindi ko alam, pero parang may kakaiba sa’yo nitong mga nagdaang araw, Liza. Madalas ay nahuhuli kitang nakatulala sa kawalan at malalim ang iniisip. May problem ka ba? May bumabagabag ba sa'yo?” Nag-aalala niyang tanong.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at itinuon na lamang iyon sa hawak na tablet. Hindi ko alam na napapansin niya pala ang mga kinikilos ko. Nitong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ron
minumulto na si Liza ng ginawa niyaaa uwuu
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Fake Wife   Kabanata 29.2: Denial

    Elizabeth's Point of ViewThe next morning, just I expected, my head is aching so bad. Kahit na gising na ang diwa ko ay minabuti ko munang hindi gumalaw dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko at nahihilo ako.I groaned frustratedly when someone pulled the curtains. Pumasok ang liwanag at kahit nakapikit naman ako ay parang nakakasilaw pa rin ang liwanag. Now, my vision's red. Umiikot ang puting liwanag sa pulang background."Liza?" Ang boses ni Manang Julieta ang sunod kong narinig nang dali-dali akong tumayo para tumakbo papunta sa banyo.Nang makalapit sa lababo ay agad na umakyat ang asido sa lalamunan ko na isinuka ko naman. Hinang-hina man ay sinubukan ko pa rin kumapit sa gilid ng lababo."Diyos ko!" Bulalas ni Manang Julieta na sumunod din sa akin sa banyo.Lumapit siya at pinungos ang buhok ko, habang patuloy naman ako sa pagsusuka."Manang?" Mula sa labas ng banyo ay narinig ko ang boses ni Mama.Lumapit din siya at naabutan kami sa ganoong eksena."Nagsusuka na naman si Liza,

  • His Fake Wife   Kabanata 29: Denial

    Elizabeth's Point of ViewKagaya ng pangako ko kay Mama, uuwi ako sa amin para doon na ipagpatuloy ang pagpapahinga. Sa biyahe ay kasama ko siya at si Mamang Julieta, hindi ko na pinayagan si Aurora at Kuya Alted na mag-abala pang ihatid kami sa San Gabriel dahil maggagabi na rin. Delikado na sa daan pag-uwi nila.Si Cassy ay umuwi rin ng Prestino pagkadischarge sa akin. Sinabi niya na hindi siya pupunta sa Lanayan bukas dahil may importante siyang pupuntahan kaya may isang araw pa akong pahinga bago bumalik sa pag-aasikaso sa kasal ni Aurora.Hindi pwedeng ipagkatiwala ko kay Cassy ang lahat. Lalo pa't isang buwan na lang ay ikakasal na si Kuya Alted at Aurora.Pagkarating sa bahay, ramdam ko na agad ang kakaibang bigat na lumukob sa akin. Dati ay ayaw ni Mama at ni Papa na bumukod kami ni Kuya Nexon, pero nang mabalitaan kong bumili si Nexon ng villa para sa sarili niya ay nagpumilit akong samahan siya sa villa.Nagsimula na rin siyang mamili ng properties ng mga panahon na 'yon kay

  • His Fake Wife   Kabanata 28.3: Positive

    Elizabeth's Point of View "Liza?" "Liza, okay ka lang ba diyan?" Noong una ay paisa-isa lang ang katok ni Cassy galing sa labas ng banyo, pero dahil sa hindi ko pagsagot sa tanong niya ay mukhang natataranta na siya. Sunod-sunod na ang kaniyang pagkatok at naririnig kong pilit niyang pinipihit ang seradura ng pinto. Frustrated kong isinuklay ang buhok gamit ang kanang kamay. Hindi pa ako tapos sa pakikipagtitigan sa mga pregnancy test na nakakalat sa lababo nang biglang bumukas ang pinto. "Liza! Diyos ko namang bata ka!" Pasigaw na sabi ni Manang Julieta na matagal nang katulong sa pamilya namin. Nasa labas siya ng banyo, kasama si Kuya Alted na salubong ang kilay at madilim ang anyo. Si Cassy ay hindi maipinta ang mukha sa pag-aalala. Si Kuya Alted ang unang umabante na hula ko'y nakapwersa sa pinto para bumukas. The scowl in his face is a proof that his mad. "Iwan niyo muna ako, Kuya Alted, Please." Nanghihina kong sabi. Mula sa mukha ko ay napunta ang tingin niya sa kamay k

  • His Fake Wife   Kabanata 28.2: Positive

    Elizabeth's Point of ViewKagaya ng sabi ni Papa, dumating nga ang doktor. Pumasok ang doktor sa silid kasama si Cassy.Isang mainit na ngiti ang iginawad sa akin ng babaeng doktor bago dahan-dahan na naglakad patungo sa amin. Mukhang mas bata lang ng ilang taon kay Mama ang doktora, maamo ang mukha at ang mga mata ay puno ng empatiya. May dala siyang clipboard at isang manipis na folder. Tahimik siyang lumapit sa kama at maingat na umupo sa tabi ko nang tumayo si Mama. To give her more space, umatras ng isang beses ang mga magulang ko, ngunit nanatili sila sa tabi upang mabantayan pa rin ako. Samantalang si Cassy ay naupo sa upuan sa gilid, ang mga mata ay nasa amin at ang mukha ay puno ng pag-aalala."Liza, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doktor, ang boses ay mahinahon at puno ng pag-aalaga.Namamalat ang lalamunan ko at nangangati iyon kaya sinubukan kong lumunok upang maging maayos ang pagsasalita ko, ngunit parang mahirap."Medyo masakit po ang tiyan ko," amin ko sa pao

  • His Fake Wife   Kabanata 28: Positive

    Elizabeth's Point of View I could hear the small chattering beside me. Pakiramdam ko ay may nagtatalo, hindi kalayuan sa akin, at inaawat naman iyon ng maliit na boses. But I could not hear them clearly. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaguluhan at kung ano ang nangyayari— hindi ko rin matukoy kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang ay sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko at parang hinihila ako ng paulit-ulit sa kawalan. Nawala sa pandinig ko ang malabong mga boses. Naging tahimik ang lahat, nabinhi na yata ako dahil nawala ang ingay ng ilang saglit kaya tuluyan akong nahatak ng kadiliman. I lost track of time. Madilim na ang paligid nang makabawi ako ng lakas. Nagawa ko nang imulat ang mga mata. Unang bumati sa akin ang nakabukas na bintana— ang madilim na tanawin sa labas, at ang malayong mga bituin na nakasilip sa gilid ng bintana. Where am I? The window isn't familiar. Mula sa bintana ay unti-unti kong inilibot ang tingin at saka natagpuan si Cassiopeia na tahim

  • His Fake Wife   Kabanata 27.4: Collapsed

    Elizabeth's Point of ViewWe left the café half an hour later. Sinigurado ko na hindi ko na tinapunan ng tingin ang direksyon ni Primo.Naunang tumayo si Cassiopeia kaya siya rin ang naunang naglakad papunta sa pinto. Sumunod ako sa kaniya habang kinakapa ang cellphone sa loob ng bag na dala.Naisend na sa akin ni Kuya Alted ang lokasyon, pero wala pa akong natatanggap na mensahe galing kay Aurora. Nga lang, hindi ko na kayang magtagal sa café knowing Primo is just around the corner. Kaya mas mabuti nang mauna na kami sa farmvilla para makita ito.I went inside my car at saka sinilip sa rearview mirror kung nakapasok na rin ba si Cassiopeia sa sasakyan niya. Nang makita na nakahanda na siya ay pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa lugar na bibisitahin namin.I’m sure the driver will just send Aurora to the place later.Pagkarating sa lugar ay agad kaming sinalubong ng caretaker. Isang matandang lalaki ang nagbabantay sa buong property at mukhang nasabihan na ng may-ari ang tungkol s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status