Jehan's Point of View Dumiretso siya sa isang makipot na daan. Hindi ko alam kung saan kami papunta, parang nagiging liblib na ang lugar. “Nasaan tayo?” Mababa kong tanong. Hindi siya nagsalita. Ilang minuto lang ay tumigil ang sasakyan. “I brought fruits and foods.” Aniya saka bumaba ng sasakyan. Umikot siya, para buksan naman ang pinto sa tabi ko. Now, he’s acting like a gentleman again. Pagkababa ko, inilibot ko ang tingin sa magubat na lugar. Nagtungo si Nexon sa likod ng sasakyan at may kinuha. Saka ko lang napansin na nagdala siya ng basket na puno ng mga prutas at inumin. Hindi ko iyon nakita kanina. Kumunot ang noo ko, ngunit kagaya kanina, hindi na lamang ako nagsalita. Nauna siyang maglakad, sumunod naman ako at dahil nakasuot ako ng dress, medyo nag-aalangan akong tumapak sa malalaking ugat. Baka mamaya bumagsak ako o matapilok tapos biglang umangat ang dress ko. Nakakahiya ‘yon. Nang mas lumalaki na ang mga ugat, tumigil siya sa paglalakad. Lumingon siya s
Huling Na-update : 2025-11-13 Magbasa pa