Jehan's Point of ViewPagod pa ako galing sa byahe. Ayaw kong makipagtalo kaya hangga't maaari, gusto kong baliwalain si Veda at ang pag-a-attittude niya, ngunit pagkatapat namin sa kaniya sa may pinto, humarang siya. Sinadya niya akong pigilan na makapasok sa bahay. Matalim ang mga mata niya, nanghahamon. “Ate…” mahinang tawag ni Dove, halatang natatakot. “I don’t want to fight with you, Veda. I’m tired.” Tumaas ang sulok ng labi niya sa mapang-uyam na ngiti. “And so I am. Ang pagkakaiba lang natin, napagod ka sa paglalakwatsa; ako, sa trabaho.” I hold her gaze. Kahit pa matalim ang tingin niya, hindi na iyon tumatalab sa akin. Hindi ko alam kung kailan ako nasanay sa ugali niya, pero siguro inaasahan ko na rin na ganito siya palagi sa akin kaya hindi na rin ako nakakaramdam ng pagkabigo sa pagiging maldita niya sa akin. “Then, good for you. At least you’re useful for this family.” Matabang kong sabi. Nanlaki bigla ang mga mata. Hindi niya marahil inaasahan na talagang papatu
Huling Na-update : 2025-11-15 Magbasa pa