Jehan's Point of View Iginiya ako ni Abby sa mesa na para sa akin, may iba pa akong kasama, mga kaedad ko lang din siguro pero niisa sa kanila'y hindi ko kilala. Ganunpaman, ngumiti ako sa kanila bilang pagbati. Ngumiti rin sila sa akin, pero matipid.Madali lang naman mahanap ang mesa kung saan ako uupo lalo pa’t may mga pangalan sa tabi ng nakafold na napkin na nasa ibabaw ng mesa. Ikatlo sa mga nakahilerang mesa ang mesang inuukupa namin kaya mas madali mula rito tingnan ang mga naglalaro harap. Tumayo si Abby sa likod ko, may sinabi siya na hindi ko narinig dahil nagsimula na naman tumugtog ng malakas ang stereo. Paglingon ko, wala na siya, siguro ay nagpaalam na iiwan niya ako at may pupuntahan. I sliced the meat on my plate. Habang ang mga mata ko’y nakatuon sa mga naglalaro. Lalo na iyong Jeanne Mae na halatang ganadong makipagtulakan sa mga babaeng bisita, tinitigan ko ng matagal. Medyo nagtatagal siya kapag nasa harap siya ni Nexon, siguro’y hinihintay na tumigil ang tugt
Last Updated : 2025-11-11 Read more