That same day, Gabriel went straight into their mansion. Saktong naabutan niya roon ang sariling kasambahay ng lola niya.“Where’s lola?” agad niyang tanong, hinihingal pa. He needed answers. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi nasasagot ang mga tanong sa isip niya.“N-nasa gazebo po, sir,” bahagyang kinakabahan ng sagot ng kasambahay dahil sa nakikita niyang dilim sa mukha ni Gabriel.Hindi na nagpasalamat si Gabriel at dali-daling dumiretso kung saan naroon ang lola niyang chill na chill na umiinom ng tsaa, may maliit pang ngiti sa labi na animo’y nakatanggap ng malaki at masayang balita. Nakaharap ang view nito sa malawak nilang hardin kung saan naroon ang infinity pool nila. “Lola,” Gabriel firmly called. Meanwhile, his Lola Claudia just turned to him with a soft smile on her face.“Apo,” malambing na bati nito sa kanya. “Napadalaw ka?”“We have to talk, Lola.” Hindi na nagpaligoy-ligoy si Gabriel. Pumunta agad siya sa harap ng matanda, parehong nakakuyom ang kamao at mabigat
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-09-22 อ่านเพิ่มเติม