Nagmaneho sina Gabriel at Evony papunta sa malawak na bakanteng lote na pagmamay-ari ng Duello. Binili nila itong lupa para sa mga agent nila na gustong mag-sarili sa training o simpleng relaxation spot lang. Malawak ang paligid, maberde lalo na’t may mga maliliit din na burol sa hindi kalayuan, may pagka-liblib dahil private property ito, at higit sa lahat ay mahangin. Inalalayan ni Gabriel si Evony palabas sa kotse, mahigpit ang kapit sa kamay nito na tila ba ay ayaw niya ng bitawan. He led her on the top of the hill where the overlooking view of Manila can be seen. Diretso lamang ang tingin nila sa harap, walang matapang na bumasag sa katahimikan, at higit sa lahat ay magkabunggo ang mga balikat nila pero wala naman gustong lumayo. Evony took a deep breath, muttering the courage she had earlier when she invited Gabriel to have a “talk”. “To be honest, I didn’t know how I managed to invite you for a talk when I didn't even know what to say,” Evony said lowly, chuckling a bit.
Terakhir Diperbarui : 2025-10-02 Baca selengkapnya