Pagpasok pa lamang ni Fiona ay marami na agad ang pumaligid sa kanya. May mga yumakap, bumati, nakipagkwentuhan sandali. Pero ang atensyon ng babae ay na kay Klarisse lamang, ang kanyang karibal sa trabaho. Dire-diretso itong naglakad patungo sa pwesto ni Klarisse nang mamataan niya ito. Nang makita ni Klarisse na papalapit sa kanya si Fiona ay ngumiti ito, isang pekeng ngiti na iisipin ng mga tao na totoo. "Hi, it's good to see you here, Klarisse," magiliw na bati ni Fiona. "Same here, Fiona," sagot naman ni Klarisse dito. Tuwang-tuwa ang mga tao sa paligid, inaakalang totoong magkaibigan ang dalawa bagaman ang mga taong malalapit sa kanila at malalapit nilang katrabaho ay alam ang totoo. The two are rivals. Lumapit pa lalo si Fiona kay Klarisse upang hindi marinig ng mga tao ang sasabihin niya. Ang mga pekeng ngiti sa labi ay hindi nawawala. "Dinig ko nandito raw si Calix Javier," sabi ng babae at tinitigan sa mga mata si Klarisse, animo'y naghahanap ng reaksyon. "At nagha
Last Updated : 2026-02-04 Read more