Abala ang lahat sa heart surgery department, hindi rin halos mahagilap ni Czarina si Dra. Garcia, kaya naman ang naroon na si Dr. Jake Sanchez, ang medyo masungit na hospital director din, ang nilapitan niya. "Hi, Doc," bati niya rito. Nakaupo ito sa desk niya at may sinusulat. "May bago kang case?" Matalim ang mga mata nitong umakyat upang salubungin siya. Mabilis na natikom ang bibig ni Czarina. This man is really intimidating. Kapansin-pansin din na hindi siya nito gusto. Pero ayaw niya nalang personalin iyon dahil alam niya naman ang rason kung bakit. Jake Sanchez is a man who built his own name, his own career, from the ground. Napag-alaman niya na hindi nito gusto ang mga mayayaman- specifically, mga taong gingamit ang pera at koneksyon para makapunta sa itaas. Kaya hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya, at pati na rin kay Chloe, dahil ang alam nito ay naroon lang sila dahil sa pera. Which is a little bit true. Hindi rin naman siya magtatrabaho roon kung hindi
최신 업데이트 : 2026-02-17 더 보기