Masukhii, bukas po ako mag-update.
"Mom, kaya ko na ang sarili ko, okay? Huwag na kayo masyadong mag-alala." Ka-video call ngayon ni Czarina ang mga magulang. Gusto nilang ihatid siya pero pinilit niyang huwag na, mas mabuti pang magpahinga nalang ang mga ito sa bahay. Ngayon ay kausap niya ang mga ito dahil delayed ang flight niya. Umupo siya sandali at napabuntong-hininga. Kita niya ang lungkot at pag-aalala sa mga mata ng ina kahit sa screen lang iyon. Aalis na naman siya, iiwan na naman niya ang pamilya. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na dahil sa sobrang pagmamahal sa iba, sa pagkakataong ito ay para na sa kanyang sarili. Nakasuot siya ngayon ng plain white na shirt at pinatungan niya iyon ng kulay grey na trench coat. Simple and elegant. She really looks like an expensive girl who can make everyone hold their breath for a second. "Mom, tatawag-tawag ako, palagi, okay? At kapag may pagkakataon ay uuwi ako at bibisita." Wala na rin namang nagawa ang ina niya at tumango na lamang. Czarina smiled. "Si lol
("Sir, delayed ng isang oras ang flight ni Ma'am Czarina dahil sa lakas ng ulan, aabot pa tayo,") turan ni Kevin pagkasagot ni Zayden ng tawag. ("Sir, bakit hininto niyo ang sasakyan? May problema ba? Nakasunod ako sa'yo.") Ilang segundo pa ay may nag-park na sportscar sa tabi ni Zayden. Hindi na nagsalita ang lalaki at sa halip ay mabilis na binuksan ang pinyo ng kanyang sasakyan at lumabas. Lumabas din si Kevin ng sasakyan upang tignan ang sitwasyon. "Mamaya na iyan, pumunta na muna tayo sa airport," sabi ni Zayden sa assistant niya at nagmamadaling pumasok sa loob. Napag-isipan niya na kung ano ang dapat na gawin. He needs to go the airport, apologize and explain. Kung ano man ang sasabihin ni Czarina, kung ano man ang gagawin nito, ay tatanggapin niya. Kahit hindi siya nito patawarin. He needs to face her. Sinilip pa minsan ni Kevin ang sasakyan ni Zayden bago tuluyang pumasok. Napansin niya na may nangyari dahil may crack ang salamin nito sa harapan at nasira rin an
Sa pagkakaalam ni Zayden ay hindi naman ganoon kalayo ang pinanggalingan niya sa airport. Pero sa hindi maunawaang pangyayari ay parang napakalayo no'n ngayon. Pakiramdam noya ay mas lalo siyang lumalayo habang tumatagal. Ilang beses na niya nahampas ang manibela sa inis at nasisi ang sasakyan dahil pakiramdam niya'y bumabagal na ito. Alam niyang walang kasalanan ang mga kasabayan niya sa daan pero hindi rin nakaligtas ang mga ito sa sama ng tingin niya. Paubos na ang enerhiya niya pero hindi niya pa iyon ramdam dahil mas importante sa kanyang makarating sa airport. Muli niyang kinuha ang phone niya dahil hindi siya mapakali. He dialled her number once again. Pero hindi na niya ito tuluyang ma-contact. Mukhang hindi na nakasalpak ang sim na iyon sa phone ni Czarina o kaya ay nagpatay na ito ng cellphone. "Damn it," puno ng paghihinagpis na sabi niya. Paulit-ulit na umuulit sa isipan niya ang mga sinabi't ginawa niya kay Czarina. What can he do now? Nothing. "Please, Cza, wai
Malakas na ang ulan nang makasakay si Zayden sa kanyang sasakyan. Napatingin siya sa kalangitan nang biglang kumulog nang malakas at may ilang sigawan na naganap sa paligid dahil sa gulat. Pabigat nang pabigat ang bawat patak na dumadapo sa sasakyan. "Where is she?" his voice is tired and weak. Para bang inilaan niya ang natitira niyang enerhiya para tanungin iyon. Mabigat ang paghinga niya kasing bigat ng bawat patak ng ulan. Nilingon siya ni Kevin na nasa driver seat na at kasalukuyang pinaaandar ang sasakyan. "Kasalukuyang nasa airport na sa oras na ito si Ma'am Czarina, sir," mabigat ang damdaming sagot ni Kevin. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Zayden. "Airport? Ano'ng ibig mong sabihin?" Tumingin si Kevin sa kanyang relo. Alam niya ang oras ng flight ni Czarina dahil sinadya niyang alamin iyon para kung sakaling tanungin siya ng boss niya. Pero mukhang huli na sila. "Isang oras nalang bago ang take-off ng eroplano niya, sir, mukhang hindi na po tayo aabot."
"Zi, mahal lang talaga kita..." "Sa tingin mo ba ay may pakielam ako sa nararamdaman mo? How could you do that? Hindi ka ba nahihiya man lang? You're the daughter of the Smiths. Hindi mo iginalang man lang ang apelyidong mayroon ka. Did they even know about this? Huh?" Sinubukang ilabas ni Zayden lahat ng nararamdaman niya pero hindi pala sasapat ang ilang mga salita. Sa halip ay mas lalo lang nagpapatong-patong ang mga galit niya. Ginawa niya lahat para maingatan at maalagaan ang damdamin ni Chloe. He made a lot of adjustments, he made a lot of things he doesn't even want... just because she saved him. At paulit-ulit ipinamumukha sa kanya ni Chloe iyon. Only to fvcking know that it is a lie! Tumayo ito at halos matumba sa mabilisang pagkilos. "Zayden" / "Sir!" halos sabay na wika ng dalawa na parehong nagulat sa ginawa ni Zayden. Humawak si Zayden sa braso ni Kevin upang alalayan ang sarili. "Take me to Czarina. Now." Ramdam ni Kevin ang bigat ni Zayden. Nanghihina pa talaga
Halos malaglag ang panga ni Chloe nang sumingit muli si Kevin. Why does he keep on stabbing in the back at the slightest opportunity? Hindi ba ito marunong makiramdam? Zayden's chest heaved. Kahit nanghihina ay nakakuyom na ang dalawang kamao niya at pilit pinapakalma ang sarili pero hindi niya magawa. He was so damn mad! Kung pwede lang manakit ay nagawa na niya sa sobrang galit niya ngayon. At pansin na pansin iyon pareho nina Chloe at Kevin. Kaya naman mas lalong natakot magsalita si Chloe, pakiramdam niya'y isang maling salita lang ay hindi niya alam kung saan na siya pupulutin. Magaan si Zayden sa kanya noon kahit ano pang kasalanan niya dahil may utang na loob ito sa kanya. Pero ngayon na lumabas na ang totoo, ano pa ang pwede niyang paghawakan? Zayden Hart can ruin her in a snap! Niyakap ni Chloe ang sarili at halos bumaon ang mga kuko niya sa kanyang braso. Hindi siya makatingin kay Kevin na masama ang tingin sa kanya at ganoon din kay Zayden. "Miss Smith, ang tot
Tumahimik muli ang paligid nang umalis na ang mag-asawa. Tahimik na nag-angat ng mukha si Zayden at pinanood ang babae sa kanyang harapan na abala sa natanggap nitong regalo. Para itong bata na tuwang-tuwa sa maliit na bagay na iyon. May kislap ang mga mata na sinalubong ni Czarina ng tingin si Z
Walang ekspresyon ang mga mata, seryoso ang boses, at may multo ng ngisi ang mga labi. Nakakatakot talaga si Czarina sa mga oras na iyon at maski si Chloe ay kinakabahan dito. Paano nalaman ni Czarina iyon? "Ilang beses ko ng pinalagpas lahat ng pinaggagawa mo sa akin, maski ang pagpapaawa at p
Humarang si Czarina sa pagitan ng dalawa at nakalmot siya ni Chloe dahil doon. Napangiwi ito sa sakit at hapdi pero hindi niya na iyon ininda pa. Humarap siya kay Chloe at hinarang ang buong katawan para hindi na masaktan pa si Sanya na sa tingin niya'y wala namang ginawang mali. "Chloe!" banta
Ibinaba ni Zayden si Czarina sa hospital bed at pagkatapos ay isinara at iniayos ng lalaki ang kurtina upang hindi makita ni Czarina ang malakas na ulan sa labas at ang mga kidlat. Habang abala ang lalaki ay kinuha naman ni Czarina ang cellphone niya na naiwan kanina. Bumungad doon ang napakadaming







