Napatigil si Emerald sa sinabi nang mapagtantong hindi siya sigurado kung peke o totoo ang pagnanais na pasayahin si Cayden. Pero sigurado siyang ayaw niyang makita itong malungkot at naglalasing.Tumahimik si Cayden. Tinignan siya sa mata. Humakbang siya palapit, mabagal, parang hindi sigurado sa susunod na gagawin.Pero nang halos magkalapit na ang kanilang mukha, sa isang iglap! Hinawakan niya ang kwelyo ng shirt at hinila ito palapit. Isang halik na mabilis at mariin ang ginawa niya.Nagulat si Cayden, ngunit hindi umatras. Sa halip, gumanti ito. Mariin, mapusok, parang matagal nang nagtitimpi sa nararamdaman.Pero sandali lang iyon. Bigla itong umurong, hingal ang dibdib, at nilayo ang sarili sa kanya.“Hindi dapat,” mahinang sabi ni Cayden, tila nalilito.“Sorry, wala naman akong masamang intensyon. Gusto ko lang makatulong sa’yo para makalimot ka sandali sa heartbreak mo.”“Wala kang maitutulong sa akin,” anitong tinungga ang alak sa baso.Tumakbo siya sa banyo para itago ang pa
Terakhir Diperbarui : 2025-04-30 Baca selengkapnya