Tumunog ang cellphone ni Cayden kaya naputol ang usapan nila. Ibinaba lamang siya nito sa mansyon dahil may pupuntahan pa itong importante.Naupo siya sa isang sulok ng malawak na sala, may hawak na papel at ballpen. Isinusulat niya ang mga posibleng paraan para kumita ng isang milyon sa loob ng isang buwan.“Cayden, pautangin mo ako ng isang milyon, babayaran ko rin naman”.Natatandaan niya ang sagot nito, malamig at diretso.“Mayumi, hindi ako charity. Kung gusto mong kumita, magtrabaho ka. Huwag kang umasa sa akin.”Napakagat siya sa labi. Masakit, pero totoo. At sa puntong iyon, nagpasya siyang gumawa siya ng paraan, kahit mahirap, kahit mag-isa.May mga naiisip niyang opsyon. Una, magbenta ng pagkain online marunong siyang magluto at mag-bake. Ngunit hindi siya kikita agad ng isang milyon. Pangalawa, maglunsad ng vlog tungkol sa buhay-mahirap-sa-mansyon. Taon tiyak bago dumami ang subscribers niya. Mukhang etong huli lang talaga ang sagot sa problema niya. Ang gamitin ang ganda at
Last Updated : 2025-04-26 Read more