“Humawak ka!” sigaw ni Cayden, kasabay ng isang biglang liko at kabig ng manibela. Naramdaman ni Mayumi ang mahigpit nitong yakap upang protektahan ang kanyang katawan sa posibleng impact ng pagbangga.Kasunod ang pagliparan ng mga ibon, ang langitngit ng gulong sa semento, at ang dagundong ng bakal sa lupa. Sa isang iglap, lumipad ang sasakyan pababa, bumangga sa mga tanim na palay, at bumulusok sa gitna ng luntiang bukirin. May ilang basag na salamin, pero salamat sa siksik na taniman at putik, bumagal ang bagsak ng kotse.Ilang saglit ang katahimikan. Naririnig lamang ang mabilis nilang paghinga. Eratiko ang tibok ng kanilang mga puso.“Mayumi, ayos ka lang?” hingal ni Cayden, habang sinusuri siya at labis ang pag-aalala.Tumango siya, nanginginig ang katawan at hindi makapasalita. “Oo... okay lang ako. Ikaw?”Napatingin siya sa binata at nakita ang pag-agos ng dugo sa ulo nito. Nahindik siya lalo ng nawalan ito ng malay.“Cayden, Cayden, gumising ka,” nanginginig niyang tawag. Tum
Terakhir Diperbarui : 2025-05-15 Baca selengkapnya