Share

Kabanata 142 Saving Mayumi

last update Last Updated: 2025-05-12 22:32:15
“Bakit ka naiinis kung wala kang pagtingin sa akin?” tanong ni Mayumi.

“Look, huwag mong isiping nagseselos o may gusto ako sa’yo. Hindi mangyayari ‘yan. Ayoko lang ng may humahawak sa pag-aari ko. Ilang linggo na lang kaya huwag mo akong galitin. Kapag tapos na ang usapan natin, gawin mo kung ano ang gusto mo!”

Natahimik siya. “Hindi naman kita ipagpapalit kahit kanino. Kaibigan ko lang si Justin.”

“Layuan mo ang Justin na ‘yan. Masama ang kutob ko sa lalaking iyon.”

Tumango siya bilang pagsang-ayon.

“Tigilan mo din ang panliligaw sa akin. Naiilang ako sa ginagawa mo. Huwag mong kakalimutan kung saan ka dapat lumugar.”

Muli siyang tumango. Pakiramdm niya ay pagod na siya. Nahihiya siya sa problemang ibinibigay niya kay Cayden.

Kinabukasan ay nagdesisyon siyang tigilan na ang pangungulit sa CEO. Hindi siya lalapit dito kung hindi siya tinatawag. Maagang umalis ito kasama si Henry. May iinspeksyuning location ng itatayong mall.

Pauwi na siya. May pumaradang motor sa harap ng building.
Maria Bonifacia

Maraming salamat po sa pagsubaybay. I appreciate your support. Enjoy reading!

| 15
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
thanks much po
goodnovel comment avatar
Averlyn De Vera Salazar
more updates please
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
thanks so much po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 280 Winning Her Back

    Nabuo ang desisyon ni Gab. "Para kay Nathaniel, papayag ako. Pero may mga kondisyon ako na ilalagay natin sa kasulatan para malinaw.”Napatingin si Justin, parang nabuhayan ng loob at kumislap ang mga mata."Anumang kondisyon, Gab. Gagawin ko, basta makasama ko lang si Nathaniel.”"Una, walang biglaang pagpunta sa bahay o eskwelahan niya. Gusto kong maramdaman niyang ligtas siya at hindi nagugulat sa biglaang pagsulpot mo. Ako ang magtatakda kung kailan at saan kayo pwedeng magkita.”"Oo, sige. Walang problema,” anitong tumango agad."Pangalawa, kung may plano kang dalhin siya sa kahit saan, ipagpaalam mo sa akin nang maaga. Hindi puwedeng basta mo lang siya isasama lalo ng walang permiso ko.”"Gab, pangako, magpapaalam ako sa’yo palagi,” anitong itinaas pa ang isang kamay."At panghuli... huwag mo akong kakausapin ng hindi tungkol kay Nathaniel. Ayokong kukulitin mo ako tungkol sa ibang bagay.”Natigilan si Justin. Hindi agad nakasagot."Gab, aaminin ko, umaasa akong ---"“Sshhhhh! Pu

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 279 A Second Chance

    Matindi ang tibok ng puso ni Justin habang nakaabang sa labas ng AM Corporation, tangan ang isang malaking bouquet ng red roses kahit hindi siya sigurado kung tatanggapin ito ni Gab. Lalo na pagkatapos ng pagsuntok niya kay Kian at masakit na salitang binitawan niya, pero determinado siyang humingi ng tawad.Dumating si Gab, suot nito ang corporate attire, maayos ang buhok, ngunit halatang pagod. Napahinto ang dalaga nang makita siya na nakatayo malapit sa sasakyan nito. Nalukot ang mukha nito pagkakita sa kanya.“Wala akong oras para sa drama mo, Justin. Pagod ako kaya please lang, umalis ka na.”“Gab, please. Kausapin mo ako. Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ko.”“Alin sa mga ginawa mo noon at ngayon ang inihihingi mo ng tawad?”Lumapit siya at iniabot ang bulaklak.“Alam kong nasaktan kita. Hindi ko dapat sinuntok si Kian. Hindi ko rin dapat pinagdudahan ka. Galit lang ako… sa sarili ko.”Napatingin ito sa bulaklak, pero hindi tinanggap.“Tapos na tayo, Justin. Mag-move on

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 278 Wrong Accusation

    “Hello, Nathaniel!” masiglang bungad ni Justin.“Daddy, nasa loob ako ng CR. Hiram ko cellphone ni Yaya.”“Anak, gagawin ko ang lahat para makita at makasama ka.”“Daddy, sasabihin ko po house namin. Pero secret lang po natin.”“Promise. Secret lang natin,” aniyang nabuhayan ng loob.“Sa likod po restaurant na kinainan namin, may bahay na nakapakataas bakod. Doon po kami nakatira. Aabangan po kita mamaya 8PM.”“Talaga, anak? Sige pupuntahan kita.”“Opo, gusto ko din po kayo makita, pero sa likod po kayo dadaan may small door, ako po mag-open.”“Okay, anak. Salamat sa tiwala. I love you, Nathaniel,” aniyang natuwa ng alam na kung saan nakatira ang mag-ina.“I love you too, Daddy. See you soon! Huwag mo po awayin si mommy ko.”“Oo anak,” aniyang natawa sa bilin ng anak.Nag-end ang tawag. Napasandal siya sa upuan, hawak ang cellphone. Mixed emotions, galit kay Gab at pananabik sa anak.Wala siyang inaksayang oras. Agad niyang pinuntahan ang bahay nila Gab. Nasa loob siya ng kotse bago pa

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 277 Legal Action

    Matapos ang isang tahimik at awkward na hapunan na pinilit ni Justin, papalabas na sina Gab at Nathaniel mula sa lobby. Hawak nito sa kamay ang anak na tila antok na.Humahabol siya sa hakbang, may bitbit siyang paper bag na may lamang takeout.“Gab, ihahatid ko na kayo. Late na rin. Delikado sa labas,” aniyang ang pakay ay malaman kung saan nakatira ang mag-ina.“Justin, makakauwi kami. Ayan lang ang bahay—” agad itong napatigil.“Huwag mo kaming sundan. Please lang, leave us alone.”“Gab, wala akong ibang balak kundi siguraduhin lang na safe kayong makauwi.”“No need. We’re safe,” anitong ibinaba ang tingin, saka muling hinawakan si Nathaniel sa kamay at inakay papasok sa kotse.“Bye, Daddy…” anang paslit.“Bye, anak. See you again!” aniyang pinasigla ang boses.Hinatid niya ng tanaw ang kotseng paalis. Pagliko sa kanto ay agad siyang pumasok sa sasakyan upang sumunod.Tahimik na sinusundan niya ang sinasakyan nina Gab. Makalipas ang ilang kanto, napansin niyang na dumaan ang kotse s

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 276 Courting His Ex-Wife

    Malamlam ang ilaw sa kwarto ni Justin, nakahiga siya sa kama, hawak pa rin ang cellphone. Hindi mapakali at magulo ang isip. Hindi niya mahanap ang peysbuk ni Gab. Hindi niya makita. Mukhang na-block na siya. Napabuntunghininga siya. Kailangan niyang makaisip ng paraan para mapalambot ang puso nito.Nang biglang tumunog ang cellphone niya, unknown number. Napakunot ang noo niya. Hindi niya inaasahang ang tawag mula kay Nathaniel.“Hello, daddy!” masiglang bungad nito.“Hello, Nathaniel! Buti nakatawag ka,” aniyang nabuhayan ng loob ng madinig ang boses ng anak.“Nanghiram po ako ng cellphone kay Yaya kasi kinuha ni Mommy ang tablet ko. Parang galit po siya sa’yo.”Napalunok siya at hindi agad makasagot.“Anak, may hindi lang kami pagkakaintindihan ng Mommy mo. Pero ayusin ni Daddy ‘yan.”“Bakit po kayo away? Dahil po sa akin?”Napakagat-labi siya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman.“Hindi anak. Wala kang kinalaman sa hindi namin pagkakaunawaan ng mommy mo.”“Daddy, makipagbati k

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 275 Make Her Fall Again

    Nakaupo si Justin sa isang leather couch ng bahay niya habang may hawak na folder na may lamang paternity legal options. Tahimik ang paligid. Dumating si Lance mula sa kusina, dala ang dalawang bote ng beer. Umupo ito sa tapat niya.“Bakit kailangang umabot sa korte ang issue ninyo?” ani Lance habang iniaabot ang isang bote sa kanya.“Hindi na ito basta legal issue, Lance. Anak ko si Nathaniel. Ilang taon siyang lumaki na wala ako. Ngayon na may pagkakataon ako, hindi ko hahayaang mawala uli siya.”“Legal options? Paternity case? DNA test?”Tumango-tango siya habang tumitikim ng beer.“Bro, hindi ba parang masyado kang nagmamadali? Pag-isipan mo munang mabuti. Tandaan mo hindi na ang dating Gab ang kalaban mo. Maimpluwensya na din siya,” ani Lance.“Anong gusto mong gawin ko? Umupo lang at maghintay? Hindi niya ako bibigyan ng karapatan sa bata kahit gustuhin ko man. Ipinagtabuyan na nga ako,” himutok niya.“May karapatan ka bilang ama. Pero huwag mong simulan ang laban sa korte. Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status