“Secretary mo siya, kaya siya ang kinakausap ko. Alam kong busy ka Don Manuel. Ayaw kitang abalahin. Bigyan ninyo ako ng magandang offer sa paggamit ng lupa ko. Si Mayumi ang gusto kong makipagkita sa akin,” sabi ni Cayden.Nagtagis ang bagang ng Don ngunit wala itong nagawa. “Mukhang may gusto ka sa secretary ko, bata. Piliin mo ang papakialaman mo.”Tumawa si Cayden. “Don Manuel, she’s not my type. Magkaiba ang mundo namin. Saan mo naman nakuha ang ideya na may gusto ako sa secretary mo? Kung ayaw ninyo, edi huwag kayong dumaan sa lupa ko.”“Sige, Cayden, magkita tayo mamaya after work. Bibigyan ka namin ng magandang offer,” aniya para lang hindi na humaba ang usapan.“Okay, see you!” anang binata na umalis na.Hapon na at tapos na ang trabaho. Hindi niya nakita si Don Manuel maghapon na ipinagpapasalamat niya. Inaabangan niya ang pagsundo ni Cayden. Kailangang maitaboy niya ito pabalik sa lungsod.Huminto ang sasakyan ng binata, nakasuot ito ng gray na polo at may nakakaakit na ngit
Terakhir Diperbarui : 2025-05-17 Baca selengkapnya