Pag-alis ni Lance ay dumating si Gab. Agad na tumayo si Justin ng makita ang dalagang mukhang mainit ang ulo."Gab? Bakit naparito ka?” aniyang halos mautal."Kailangan nating mag-usap,” deretsong sabi niya.Pumasok siya, hindi na hinintay ang paanyaya. Umupo siya sa visitor's chair sa harap ng mesa habang si Justin ay nanatiling nakatayo, pinagmamasdan siya.“Ano ang gusto mong sabihin? Makikinig ako.”"Justin, kung ayaw mong ituloy ang kasal, kung ginagawa mo lang ‘to dahil tinakot ka ng daddy ko, pwede kang umatras.”Tumitig si Justin sa kanya, seryoso. Hindi ito agad nagsalita. Lumapit sa harap ang lalaki. Yumuko, at tumukod ang dalawang kamay nito sa mesa, palapit sa kanya. Halos magdikit ang mukha nila."Hindi ako aatras, Gab. I wanted to marry you again. Gusto kong mabuo ang pamilya natin.”"Look, alam kong napipilitan ka lang. Tutulungan kitang magtago para hindi ka habulin ng daddy ko.”"Oo, pinuwersa ng daddy mo ang sitwasyon. Pero hindi ang nararamdaman ko.”Tumayo siya dahi
Terakhir Diperbarui : 2025-07-28 Baca selengkapnya