Matapos ang kaguluhan ng engkwentro, hinatid nina Gab at Justin si Gianna pauwi sa tahanan ng ina. Tahimik ang biyahe, bakas sa mukha ni Gianna ang guilt, trauma, at pagkalito.Naawa siya sa kapatid. “Gianna, sa susunod kilalanin mo ang lalaking sasamahan mo. Delikado ang panahon ngayon. Hindi ba sabi ko, huwag kang basta magtitiwala.”“Yes, Ate Gab. Huwag mo na lang iparating kay Nanay Olivia, please? Mapapagalitan ako nun eh.”“Okay, pero huwag ka ng uulit.”Pagdating sa bahay, habang pababa na ng sasakyan, ay may kakaibang kislap sa mata ng dalaga ng mapalingon kay Justin.Lumabas si Justin mula sa driver's seat at pinagbuksan ng pinto si Gianna. Agad itong lumingon at ngumiti.“Salamat, Kuya Justin, kung hindi dahil sa'yo, baka kung ano na ang nangyari sa’yo. You’re my hero,” anitong yumakap sa binata na agad umiwas.“Gianna, ang tunay na bayani ay ang ate mo. Sa kanya ka magpasalamat,” nakangiting sabi ng binata.Lumapit si Gab mula sa likod ng sasakyan, hinawakan niya ang braso
Last Updated : 2025-07-01 Read more