Sa loob ng malawak, elegante at modernong opisina ng Aragon Group of Companies, nakaupo si Justin sa kanyang executive desk, abala sa pag-review ng mga dokumento para sa quarterly board meeting.Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Joshua, ang kanyang loyal at maasahang assistant, dala ang isang folder.“Sir, may dumating pong legal documents mula sa Cruz & Associates Law. Personal daw po itong ipinadala ni Atty. Norberto Cruz.”Napatigil si Justin. Hindi niya inasahan ang pangalang iyon. Ng pinakasikat na abogado sa bansa. Tumayo siya at kinuha ang folder sa kamay ng assistant. Binuksan niya iyon, at habang isa-isang binabasa ang nilalaman, unti-unting namuo ang galit sa kanyang mga mata.“Annulment?”Hindi agad nakasagot si Joshua. Tahimik itong naghihintay ng susunod n autos.“Naunahan pa ako?! Siya ang may kasalanan! Siya ang naglihim, nagtaksil, nagsinungaling, tapos siya ang unang nagsampa?” aniyang nagngangalit ang panga.Hinagis ni Justin ang folder sa lamesa, kumalat ang il
Last Updated : 2025-07-15 Read more