Cassandra Dela Vega’s POVMatapos ang ilang buwang pagod, luha, at takot, unti-unti nang bumalik sa normal ang lahat. Wala na si Daddy, nakulong na ang mga taong gumawa ng kasamaan, at sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, nakahinga na rin ako nang maluwag. Tahimik na ang bahay, walang mga sigawan, walang mga tawag na nakakapagpabigat ng loob.Ngayon, si Sebastian ay muling nakabalik sa Alcantara Group. Hindi na siya binabatikos ng board. Sa katunayan, bumalik ang tiwala ng mga investors dahil nakita nilang siya ang totoong may kakayahan mamuno. Ako naman, sa wakas ay nakakapagpahinga na bilang asawa niya. Hindi na kailangan ng pagdududa o takot.Nasa balcony kami ng bahay habang iniinom ko ang kape ko. Lumabas si Sebastian mula sa loob ng kwarto, suot ang simpleng white shirt at slacks. “You’re up early,” sabi niya habang nilalapit ang sarili sa akin.“Hindi ako makatulog,” sagot ko. “Sanay pa rin yata ang katawan ko sa mga araw na puro abala tayo sa kaso.”Ngumiti siya at naupo
Last Updated : 2025-10-13 Read more