Chapter 47Lexford Folleir Point of ViewHalos ilang linggo magmula ng hindi bumalik sa akin si Jhaxien, walang anumang bakas ang makakapagsabi kung nasaan siya, anong nangyari sa kanya. Pero malinaw sa akin na iniwan niya ako! Ilang linggo ko na rin pinapasubaybayan si Exellerio sa Eresalde, pero kahit sinasabi ng mga tauhan nito na naroon ito ay parang hindi ako kumbinsido. Walang paraan para makipagkita sa kanya, no appointment at sa pakiramdam ko ay ayaw siyang iharap sa akin. Nagduda ako, gusto ko talagang makita si Exellerio, gusto ko malaman kung naroon talaga siya sa Eresalde o magkasama silang nawala ni Jhaxien. Wala akong narinig sa panig niya kahit pa nasira ang ilang bahagi ng bahay niya. Hindi niya ako sinugod at pinuntahan, wala akong narinig na reklamo, maliban sa kaibigan niyang si Gloyd na tumawag sa akin at nagbabanta. Isa din sa katanungan sa isip ko, bakit siya? Huling araw, ito ang sinabi ko sa sarili, babalik ako sa Eresalde at kokomprontahin ang amo nila.
Read more