Chapter 52Exellerio Romano FabillosIsang linggo, biglang nagbago siya, wala siya sinasabi na kahit ano, walang binabanggit o kinukwento, palaisipan sa akin ang pagsasalita niya sa hating gabi, para siyang may kausap hindi ko mawari kung ano o sino. Kapag hinuhuli ko siya, iba ang kanyang titig, parang may takot parang may tinatago.Isang linggo noon magmula ng umalis siya, isang tanghali,Akala ko ay saglit lang, akala ko manilis sitang makakabalik pero sa sa bawat oras na nagdaraan kinakabahan ako. Laging sa pintuan at bintana ang tingin ko, babalik ba siya? May nangyari ba sa kanya kaya matagal siya? Gusto ko siyang hanapin, pero hindi ko maiwan ang store, may mga customer na patuloy sa pagdating. Iniisip ko na lamg na babalik na siya, hintay pa. Mga tanong na nasagot ng magbalik siya, pumasok siya sa pinto, tahimik, diretso ang lakad, para akong hangin na dinaanan niya, walang tingin, walamg hi/hello, walang ngiti na madalas niyang bati kapag dumarating siya galing pamili
Read more