Chapter 62Exellerio Romano Fabillos, Point of viewMasakit ang ulo ko ng magising halos ang natatandaan ko lang ay kunti lang ang nainom ko ay nahilo na kaagad ako. Magliliwanag pa lang ang langit ng magising ako, niligpit ko ang dalawang boteng nasa ibabaw ng lamesa. “Nakakapagtaka naman!” Bulong ko sa sarili, halos hindi ko pa nga nauubos ang ikalawang bote ay natamaan kaagad ako. Hindi rin naman ako pagod, nakakaramdam ako ng banayad na hilo. Matapos makapagligpit, ay tinungo ko ang itaas, sinipat ko si Jhaxien, tulog na tulog pa ito. Pero habang nakatingin ako sa. Kanya there's something different, hindi ko mawari, para akong nanlalamig. Binuksan ko ng maigi ang pinto, at nahilig sa tabi niya, yakap niya ang unan. Itinaas ko ang kamay ko at inihaplos sa buhok niya, pero tinabig niya lang ako. “Tigilan mo na ako Lexford!” nakapikit siya, kaya sa pakiwari ko ay nanaginip siya. Natigilan ako saglit, hanggang panaginip ba ay natatakot pa rin siya kay Lexford? Napahiga ako s
Read more