Tumango si Vernard noon, "Okay, Boss, tatandaan ko 'yan. Huwag kang mag-alala."...Kinabukasan, hapunan na noon.Sa labas ng Okara Hotel, may nakalatag na pulang karpet na umaabot ng daan-daang metro. Sobrang dami ng media sa magkabilang panig na halos wala nang space para maglakad ang mga tao.Isa-isang huminto ang mga magagarang sasakyan at ang mga bumaba ay mga bigating personalidad sa industry ng movie at TV, pati na rin ang mga bagong actors at singers na sumisikat pa lang ay naroon din."Ang aktor na paparating ngayon ay si Miguel. Si Miguel ay gumanap kamakailan sa isang multi-awarded web drama! Ang ganda ng mukha niya! Makinis! Para siyang walang problema!”Kumakain ng lollipop si Celestine noon habang nakatayo sa likod ng isang media crew, pinakikinggan ang live broadcast kung saan ipinapakilala ang mga bisita sa gabing iyon."Si Shiela Castor? Hindi pa siya dumarating," sabi ng host habang tumitingin sa mga komento ng live broadcast."Parating na si Shiela Castor, mga sis,
Last Updated : 2025-05-14 Read more