Share

Chapter 301

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-14 08:09:14

Tumango si Vernard noon, "Okay, Boss, tatandaan ko 'yan. Huwag kang mag-alala."

...

Kinabukasan, hapunan na noon.

Sa labas ng Okara Hotel, may nakalatag na pulang karpet na umaabot ng daan-daang metro. Sobrang dami ng media sa magkabilang panig na halos wala nang space para maglakad ang mga tao.

Isa-isang huminto ang mga magagarang sasakyan at ang mga bumaba ay mga bigating personalidad sa industry ng movie at TV, pati na rin ang mga bagong actors at singers na sumisikat pa lang ay naroon din.

"Ang aktor na paparating ngayon ay si Miguel. Si Miguel ay gumanap kamakailan sa isang multi-awarded web drama! Ang ganda ng mukha niya! Makinis! Para siyang walang problema!”

Kumakain ng lollipop si Celestine noon habang nakatayo sa likod ng isang media crew, pinakikinggan ang live broadcast kung saan ipinapakilala ang mga bisita sa gabing iyon.

"Si Shiela Castor? Hindi pa siya dumarating," sabi ng host habang tumitingin sa mga komento ng live broadcast.

"Parating na si Shiela Castor, mga sis,
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 303

    Kakadalawang hakbang pa lang ni Celestine noon nang makasalubong niya si Eduard Villaroman.“Hi, Eduard!” Masiglang kumaway si Celestine, kitang-kita na sobra ang saya niya dahil nakakita siya ng pamilyar na mukha.Nagulat naman si Eduard sa kanya. “Celestine, andito ka rin? Oh, it's good to see you here.”“Niyaya ako ni Shiela na pumunta rito eh. Ikaw naman? Bakit ka nandito?” tanong ni Celestine..“Kilalang-kilala mo si Shiela Castor?” gulat na tanong ni Eduard kay Celestine.Tumikom ang labi ni Celestine. “Nagbibiro ka ba? Si Shiela Castor ay parang tunay ko na kapatid. Matagal na kaming magkakilala! Nasaksihan ko mismo kung paano siya naging isang sikat na artista! Sobrang galing niya rin kasi!”Biglang ngumiti si Eduard nang marinig iyon. “Kung gano’n, may isa akong medyo selfish na pakiusap sa iyo.”Nagtaka si Celestine at napakunot ang noo. Selfish na pakiusap? Anong ibig sabihin niya?“Katatapos lang ng contract ng endorser ng aming jewelry business at gusto kong maghanap ng b

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 302

    Ang lalaki ay tumingala at nakita sila."Si Sean Vallejo." Tinaas ni Celestine ang kanyang kilay.Kumaway si Sean sa kanilang dalawa at ngumiti, "Hi."Bahagyang tumango si Shiela kay Sean, na itinuturin na niyang isang pagbati.Tinitigan ni Sean si Shiela, hindi napigilang tingnan siya nang maigi, bago tahimik na iniwas ang tingin."Si Mr. Vallejo din ba ay pumupunta sa ganitong klaseng dinner party? Hindi ka naman kasi isang artista, Mr. Vallejo kaya nagtataka akong nandito ka," may pagtatakang tanong ni Celestine habang nakatingin sa isang gilid."Hindi naman ako kadalasang pumupunta sa mga ganitong gatherings. Nandito lang talaga ako ngayon dahil may kailangan akong gawin," ani Sean na may masiglang ngiti.Hindi na nagtangkang itanong ni Celestine kung ano ang kailangan niyang gawin doon. Pero sinabi niya, "Nandito ako para sa isang artista, may kailangan akong sabihin sa kanya.""Ah, ganun ba." Tumango si Celestine at ngumiti. "Ewan ko lang kung sinong artista ang napakaswerteng i

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 301

    Tumango si Vernard noon, "Okay, Boss, tatandaan ko 'yan. Huwag kang mag-alala."...Kinabukasan, hapunan na noon.Sa labas ng Okara Hotel, may nakalatag na pulang karpet na umaabot ng daan-daang metro. Sobrang dami ng media sa magkabilang panig na halos wala nang space para maglakad ang mga tao.Isa-isang huminto ang mga magagarang sasakyan at ang mga bumaba ay mga bigating personalidad sa industry ng movie at TV, pati na rin ang mga bagong actors at singers na sumisikat pa lang ay naroon din."Ang aktor na paparating ngayon ay si Miguel. Si Miguel ay gumanap kamakailan sa isang multi-awarded web drama! Ang ganda ng mukha niya! Makinis! Para siyang walang problema!”Kumakain ng lollipop si Celestine noon habang nakatayo sa likod ng isang media crew, pinakikinggan ang live broadcast kung saan ipinapakilala ang mga bisita sa gabing iyon."Si Shiela Castor? Hindi pa siya dumarating," sabi ng host habang tumitingin sa mga komento ng live broadcast."Parating na si Shiela Castor, mga sis,

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 300

    Inihatid ni Celestine si Shiela pauwi at papalis na sana siya nang marinig niya ang tanong ni Shiela, "Pupunta ka ba sa party ng mga taga-showbiz bukas ng gabi?"Tumingin si Celestine kay Shiela.Biglang lumapit si Shiela, sumandal sa bintana ng kotse, hinipan ang kanyang bangs at nagkunwaring parang isang kawawang bata.Talagang umaasa siyang pupunta si Celestine sa party na iyon. Nakakabagot kasing pumunta sa isang dinner event nang mag-isa at walang kakilala.Nang makita ni Celestine ang itsura ni Shiela na ganoon, napabuntong-hininga siya. Talagang mahirap tumanggi sa isang maganda at mabait na kaibigan katulad niya."Sige na nga, sasama na ako sa'yo sa dinner bukas kahit hindi naman ako artista," sabi ni Celestine na may halong pagkatalo.Ngumiti si Shiela at sinabing, "Okay, sige. Magkita tayo bukas ng gabi.""Aagawin ko ang spotlight mo ha. Maghanda ka na," biro pa ni Celestine.Walang pake si Shiela kung gawin iyon ni Celestine.Pagkaalis ni Celestine noon, pumasok na sa bahay

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 299

    Sa wakas ay hiwalay na sila. Ito na ang pinakamalapit na pagkakataon para sa kanya na maging si Mrs. Peters, hindi ba?Tahimik na kinuha ni Benjamin ang kanyang cellphone at tinawagan si Veronica.Agad na hinawakan ni Diana ang kanyang kamay, “Huwag mo siyang tawagan, please?”“May lagnat ka, dapat kang pumunta sa ospital. Kapag may nangyaring masama sa’yo, hindi ko maipapaliwanag ng maayos sa pamilya Valdez iyon.” Ibinaba ni Benjamin ang cellphone at muling sinubukang tawagan si Veronica.Agad na nagtanong si Diana, “Ganito ka ba ka-atat na paalisin ako? Ipapadala mo rito si Veronica para dalhin ako sa ospital? Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang mag-alaga sa akin?”Tumahimik si Benjamin ng tatlong segundo. Seryoso siyang nagpaliwanag sa babaeng nasa harapan niya, “Diana, may lagnat ka at kailangan mong pumunta sa ospital ngayon. Ano at ako pa ang mag-aalaga sa iyo? Hindi naman ako doktor. Sige na, intindihin mo na lang ako, ha?”“Hindi ko naiintindihan, e. Ang alam ko lang, isang araw

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 298

    “Benj, ihahatid na lang kita dito! Huwag mo na akong yayain sa loob para magkape, ayoko-”Hindi pa man tapos na magsalita ang kaibigan ay isinara na agad ni Benjamin ang pinto ng sasakyan.Sa harap ng mansion ni Benjamin ay mahigpit na hinawakan ni Sean ang manibela at nagsalita, “Benjamin, ang sama mo talaga. Hindi na nakapagtatakang iniwan ka ng asawa mo! Dapat lang sa iyo ‘yan!”Hindi na nakapagsalita pa si Benjamin.Lumingon lang siya at tiningnan si Sean sa loob ng sasakyan.Nagpatuloy si Sean sa pagsasalita, “Pinagbibigyan na kita, sinama kita sa bundok para manuod ng car racing pero hindi mo pa rin ako yayain sa loob para magkape? May tinatago ka bang babae sa loob ng bahay? As if nandyan sa loob si Diana?”“Sayang lang kasi ang oras mo kaya hindi na kita gagambalain pa. Magpahinga na tayo,” sagot ni Benjamin at akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan para hilahin palabas si Sean at tuluyang yayain magkape ang kaibigan.Nakita ni Sean ang galaw niya at tumawa ng malakas. Umapak n

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 297

    Itinaas ni Celestine ang sulok ng kanyang labi at ngumiti nang hindi nagsasalita.Tiningnan ni Vernard si Celestine, ramdam ang kasiyahan sa mga mata nito.Itinaas ni Celestine ang kanyang ulo at sinalubong ang malalim na tingin ni Benjamin. Bahagya siyang ngumiti, “Ginoong Peters, salamat.”Pagkatapos noon, tumingin si Celestine kay Shiela at binigyan ito ng madiing tingin, senyales na pwede na silang umalis.Komplikado ang ekspresyon ni Benjamin noon, para bang may libu-libong salita siyang nais sabihin kay Celestine, pero sa huli ay pinanood na lamang niya si ang babae na umalis.Sumingit si Shiela mula sa gitna ng mga tao. Lumapit siya sa mesa ng sugalan at seryosong sinabi, “Pumusta ako sa panig ng pulang kotse, nanalo ako.”Tiningnan siya ng alalay sa sugalan nang may malalim na kahulugan. Pagkakuha ng tingin ni Mr. Galvez, ibinigay nito kay Shiela ang lahat ng pera na nasa balde, at dinagdagan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 296

    Lumingon ang lahat paitaas, kabilang na roon sina Celestine at Vernard.Naka-krus ang mga braso ni Sean at tumingin sa boss na hindi kalayuan, "Matagal na kitang hindi nakita, Mr. Galvez, pero kasing bangis pa rin ng dati ang mga pamamaraan mo.”Nakisilay si Mr. Galvez. Nakatayo siya kontra sa liwanag kaya hindi niya maaninag ang mga mukha ng dalawang lalaki sa harap niya.Pero bakit parang pamilyar ang boses ng mga ito?"Payo ko lang sa inyo, huwag na kayong mangialam sa hindi dapat pakialaman." Itinuro sila ni Mr. Galvez."Akala mo ba wala kaming karapatang makialam?" Tamad na sagot ni Sean.Ngumiti si Mr. Galvez, "Hindi talaga dapat nakikialam ang mga taga-labas sa mga usapan ng K Club! Kami lang dapat ang may say dito!”Tinaas ni Benjamin ang kanyang kilay. Mahinang tumawa, tumingin kay Mr. Galvez na may malamig na titig, at unti-unting lumamig ang kanyang boses, “Paano kung sabihin

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 295

    Gigil na gigil si David at kitang-kita iyon sa kanyang mga ngipin. Tiningnan niya nang masama si Celestine. “Sige! Celestine, pinili mo ‘to.,”“Kung lalakasan mo ang loob mo at sasabihin mong putulin ko nga ang daliri ko, pagbabayaran mo ito!” Banta ang laman ng kanyang tinig at titig.Nagliit ang mga mata ni Celestine. Hindi talaga siya basta-bastang kalaban! Sa kanya pa isisisi ang isang bagay na siya ang may kagustuhan noong una?“Tsk, pananakot lang naman iyan,” napasimangot si Sean noon at nagreklamo.Hinigpitan ni David ang hawak sa patalim at itinukod ang kamay sa harapan ng kotse.Lahat ay nakamasid sa eksenang ito.Naka-krus pa ang mga braso ni Celestine at nakasandal nang casual sa kotse, walang emosyon ang mga mata, tila ba wala lang sa kanya ang lahat.Habang ang lahat ay nakatutok kay David Arcelli, si Benjamin lang ang hindi inaalis ang tingin kay Celestine.

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status