Share

Chapter 308

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-05-18 07:14:19

Sandaling natigilan si Diana at parang likas na tinangkang hawakan ang braso ni Benjamin, pero nabigo siya.

Tahimik na pinanood ni Celestine ang kilos ni Benjamin. Pinagpag nito ang kanyang damit at sinulyapan si Celestine nang walang emosyon.

"Louie." Biglang tinawag ni Benjamin si Louie na paparating. Tumango si Louie kay Benjamin at pagkatapos ay lumapit kay Diana.

"May sakit pa rin si Diana, ibalik mo siya sa ospital. Maraming tao rito, baka may mangyaring hindi masama sa kanya," malamig ang tinig ni Benjamin noon pero malinaw ang kanyang utos.

Napatingin si Diana kay Benjamin at hindi napigilang lingunin si Celestine na kausap si Shiela noong mga oras na iyon. Napakagat siya sa labi. Itinuro niya si Celestine at nainis na tinanong si Benjamin, "Pinapalayas mo ba ako rito ako dahil nandiyan siya?"

"Hindi iyon sa ganoon," malamig ang sagot ni Benjamin.

Ngumiti si Diana. Namumula ang kanyang mga mata habang tinanong si Benjamin, "Benj, totoo ba ang sinasabi mo? Hindi talaga dahil s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 309

    Oo nga.Kung ganoon, bakit hindi mahal ni Benjamin si Celestine?Ano bang kulang kay Celestine kumpara sa bitch na babaeng iyon?Tumingin si Celestine sa bintana, at sa labas ng bintana, nakita niya si Benjamin na inakay si Diana paupo.Ininom ni Celestine ang champagne sa kanyang kamay at mahigpit na hinawakan ang baso gamit ang kanyang kanang kamay."Mr. Vallejo, may kailangan pa ba kayo sa akin?" tanong ni Shiela kay Sean na hanggang ngayon ay nasa tabi niya.Umingit si Sean, may kailangan nga siya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi kay Shiela.Pero… sa itsura ni Diana kanina, para sa kanya, parang hindi tamang pag-usapan ang sarili niyang mga pakay ngayon.Kaya, minabuti na lang niya na ibahin ang kanilang topic."Matagal na po ba kayong nasa Nueva Ecija, Miss Castor?" tanong ni Sean kay Shiela.“Matagal-tagal na rin. Bakit mo natanong, Mr. Vallejo?” “Ah, wala naman. Ako rin naman, matagal na rito. Kung minsan lang ay pumupunta pa rin ako ng Manila para sa iba ko

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 308

    Sandaling natigilan si Diana at parang likas na tinangkang hawakan ang braso ni Benjamin, pero nabigo siya. Tahimik na pinanood ni Celestine ang kilos ni Benjamin. Pinagpag nito ang kanyang damit at sinulyapan si Celestine nang walang emosyon."Louie." Biglang tinawag ni Benjamin si Louie na paparating. Tumango si Louie kay Benjamin at pagkatapos ay lumapit kay Diana."May sakit pa rin si Diana, ibalik mo siya sa ospital. Maraming tao rito, baka may mangyaring hindi masama sa kanya," malamig ang tinig ni Benjamin noon pero malinaw ang kanyang utos.Napatingin si Diana kay Benjamin at hindi napigilang lingunin si Celestine na kausap si Shiela noong mga oras na iyon. Napakagat siya sa labi. Itinuro niya si Celestine at nainis na tinanong si Benjamin, "Pinapalayas mo ba ako rito ako dahil nandiyan siya?""Hindi iyon sa ganoon," malamig ang sagot ni Benjamin.Ngumiti si Diana. Namumula ang kanyang mga mata habang tinanong si Benjamin, "Benj, totoo ba ang sinasabi mo? Hindi talaga dahil s

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 307

    Magandang-maganda ang ayos ni Diana ngayong gabi, sobrang ganda rin ng suot niya at ang kanyang makeup. Hindi nila alam kung dahil ba ito sa kanyang sakit recently. Pero ngayong gabi, si Diana ay parehong kaakit-akit at may kaunting kahinaan ang aura. May hindi maipaliwanag na damdamin ng awa sa kanya.Pagkapasok ni Diana, dumiretso siya kay Benjamin para kausapin ito.Ang mga taong nakapaligid kay Benjamin ay agad siyang pinagbigyan ng daan para makalapit.Tumayo si Diana sa harap ni Benjamin, bahagyang nakataas ang mga labi, at ngumiti, "Benj, nandito ka.""Ikaw? Bakit ka nandito?" gulat na tanong ni Benjamin. Kinausap niya ang kanyang sarili..‘Bakit siya narito imbes na nagpapahinga sa ospital?’Ngumiti si Diana kay Benjamin, "Siyempre, para samahan ka sa event. Lagi naman tayong ganun, hindi ba?”"Hindi ka pa magaling. Kailangan mo pang magpagaling sa ospital. Alam mo dapat iyan." Binaba ni Benjamin ang boses niya.Umiling agad si Diana, "Hindi. Ayos lang ako. At saka, hihdi nam

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 306

    Ilan pa lang ang napag-uusapan nina Celestine at Shiela nang dumating si Sean sa tabi nila.“Miss Celestine and Miss Shiela, masyadong malungkot kung dalawa lang kayong nag-uusap. Pwede bang sumali ako? May gusto lang din akong sabihin.” Nakangiting may halong kapilyuhan si Sean nang sabihin niya iyon.Nakaakbay si Celestine at itinaas ang baba kay Mae Delgado. “Mukhang masaya kayong mag-usap ni Mae Delgado. So, bakit mo pa kami kakausapin?”“Mae…Mae Delgado?”Sumulyap si Sean kay Mae sa likod niya at napabuntong-hininga. “Ay, siya ba? Oo, sinabihan ko nga na hindi ko siya kilala.”“Huh? Hindi mo siya kilala? E, kilalang artista iyan, ah,” sabi ni Shiela.Nagulat si Shiela noon sa kanyang narinig, na noon ay abala sa pagkain niya.“Oo nga, hindi ko nga siya kilala. Teka, ano bang nakakagulat doon?” nagtatakang tanong ni Sean.“Nakakapagtaka lang na hindi mo siya kilala, e magaling na artista iyan kaya kilala sa circle namin,” paliwanag ni Shiela.Lumapit si Sean kay Shiela..“Ikaw lan

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 305

    “Miss Castor! Miss Delgado, pakiusap po, tumingin kayo rito!” biglang tawag ng isang photographer.Sabay na tumingin kina Shiela at Mae ang photographer, magkahawak-kamay sila at nakangiti.Hindi na nakapagsalita pa si Celestine. Siguro ito ang tinatawag na professionalism ng isang artista.Gayunpaman, malayo pa rin si Mae Delgado kay Shiela kaya ramdam na ramdam pa rin ni Celestine ang iringan ng dalawa.Napakakinang ng suot na gown ni Shiela, may palawit pa ito at kung titingnan ay maganda rin talaga ang kanyang make-up. Kahit na mas maraming ipinapakita si Mae na balat, hindi ito sapat para humanga ang mga tao. Kaya kapag magkatabi sila, halatang mas nakakalamang pa rin si Shiela sa kanya.Naipasok ni Celestine sa kanyang isip, kung siya si Mae Delgado ay hindi na siya magpapaka-stress at lalayo na lang kay Shiela para maging maayos ang kanyang buhay.Masyadong malakas ang karisma ni Shiela sa mga tao at paniguradong walang laban si Mae Delgado sa kanya.“Shiela, narinig mo na ba?

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 304

    Ngumiti si Celestine at itinaas ang hawak niyang pakwan bilang pagbati kay Benjamin.Napabuntong-hininga si Benjamin sa kanyang isipan at nagpatuloy sa pakikipag-usap nang magalang sa iba.Ibinaba ni Celestine ang balat ng pakwan at pinupunasan ang kanyang mga daliri nang may lumapit sa kanya.Tumingala si Celestine at napagtanto na si Louie pala iyon, ang kapatid ni Diana.Bagama’t sinasabing ito ay isang dinner party para sa mga taga entertainment industry, pero para kay Celestine ay naging dinner party na ito para sa mga negosyante sa buong Nueva Ecija.Tumingin si Louie kay Celestine, kinuha ang tasa sa isang tabi at uminom ng tsaa.Nag-aalangan si Celestine kung dapat ba niyang batiin si Louie o hindi. Pagkatapos ng lahat, sa pagitan nila ni Louie ay mukhang okay naman sila.Habang nag-aatubili si Celestine, si Louie na ang unang nagsalita, "Narinig kong nag-divorce na raw kayo ni Benjamin?"Hindi napigilang tingnan ni Celestine si Louie. Ngumiti ang lalaki, at sa suot niyang iti

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 303

    Kakadalawang hakbang pa lang ni Celestine noon nang makasalubong niya si Eduard Villaroman.“Hi, Eduard!” Masiglang kumaway si Celestine, kitang-kita na sobra ang saya niya dahil nakakita siya ng pamilyar na mukha.Nagulat naman si Eduard sa kanya. “Celestine, andito ka rin? Oh, it's good to see you here.”“Niyaya ako ni Shiela na pumunta rito eh. Ikaw naman? Bakit ka nandito?” tanong ni Celestine..“Kilalang-kilala mo si Shiela Castor?” gulat na tanong ni Eduard kay Celestine.Tumikom ang labi ni Celestine. “Nagbibiro ka ba? Si Shiela Castor ay parang tunay ko na kapatid. Matagal na kaming magkakilala! Nasaksihan ko mismo kung paano siya naging isang sikat na artista! Sobrang galing niya rin kasi!”Biglang ngumiti si Eduard nang marinig iyon. “Kung gano’n, may isa akong medyo selfish na pakiusap sa iyo.”Nagtaka si Celestine at napakunot ang noo. Selfish na pakiusap? Anong ibig sabihin niya?“Katatapos lang ng contract ng endorser ng aming jewelry business at gusto kong maghanap ng b

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 302

    Ang lalaki ay tumingala at nakita sila."Si Sean Vallejo." Tinaas ni Celestine ang kanyang kilay.Kumaway si Sean sa kanilang dalawa at ngumiti, "Hi."Bahagyang tumango si Shiela kay Sean, na itinuturin na niyang isang pagbati.Tinitigan ni Sean si Shiela, hindi napigilang tingnan siya nang maigi, bago tahimik na iniwas ang tingin."Si Mr. Vallejo din ba ay pumupunta sa ganitong klaseng dinner party? Hindi ka naman kasi isang artista, Mr. Vallejo kaya nagtataka akong nandito ka," may pagtatakang tanong ni Celestine habang nakatingin sa isang gilid."Hindi naman ako kadalasang pumupunta sa mga ganitong gatherings. Nandito lang talaga ako ngayon dahil may kailangan akong gawin," ani Sean na may masiglang ngiti.Hindi na nagtangkang itanong ni Celestine kung ano ang kailangan niyang gawin doon. Pero sinabi niya, "Nandito ako para sa isang artista, may kailangan akong sabihin sa kanya.""Ah, ganun ba." Tumango si Celestine at ngumiti. "Ewan ko lang kung sinong artista ang napakaswerteng i

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 301

    Tumango si Vernard noon, "Okay, Boss, tatandaan ko 'yan. Huwag kang mag-alala."...Kinabukasan, hapunan na noon.Sa labas ng Okara Hotel, may nakalatag na pulang karpet na umaabot ng daan-daang metro. Sobrang dami ng media sa magkabilang panig na halos wala nang space para maglakad ang mga tao.Isa-isang huminto ang mga magagarang sasakyan at ang mga bumaba ay mga bigating personalidad sa industry ng movie at TV, pati na rin ang mga bagong actors at singers na sumisikat pa lang ay naroon din."Ang aktor na paparating ngayon ay si Miguel. Si Miguel ay gumanap kamakailan sa isang multi-awarded web drama! Ang ganda ng mukha niya! Makinis! Para siyang walang problema!”Kumakain ng lollipop si Celestine noon habang nakatayo sa likod ng isang media crew, pinakikinggan ang live broadcast kung saan ipinapakilala ang mga bisita sa gabing iyon."Si Shiela Castor? Hindi pa siya dumarating," sabi ng host habang tumitingin sa mga komento ng live broadcast."Parating na si Shiela Castor, mga sis,

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status