“I didn’t know how to reach you,” wika pa ni Lola Thallia. “Ang dami kong gustong sabihin, pero parang wala akong karapatang magparamdam.” “Don’t say that,” sabat ni Trixie. “You’ve always been family.” Hindi nila magawang pag-usapan nang husto ang tungkol kina Trixie at Sebastian dahil naroon si Xyza. Sa halip, napunta ang usapan sa kalagayan ng matanda. “I’ll be having surgery tomorrow,” ani Lola Thallia. “They’ll be replacing the bone.” “I’ll come tomorrow to keep you company,” ani Lola Angelina. “Hay nako, istorbo pa kita, balae,” mahinang sabi ni Lola Thallia, pero bakas sa mukha niya ang pasasalamat. Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan, at ilang alaala mula sa nakaraan ang muling nabuksan. “Naalala mo ba ’yung summer na nagtayo tayo ng maliit na karinderya sa likod ng bahay?” ani Lola Angelina, natatawa. “Naku, oo! Lahat ng bata gustong makikain dahil sa lumpiang shanghai mo. Akala nila may sikreto, e corned beef lang ‘yon!” Nagkatawanan ang dalawa, at kahit hindi
Last Updated : 2025-04-20 Read more