Nagmistulang arena ang loob ng executive boardroom sa Astranexis Tower. Sa paligid, may LED walls na nagpapakita ng blueprint ng isang AI system na para bang lumalampas sa imahinasyon ng sinuman. Mainit ang ilaw na nakatutok kay Trixie sa harap ng maharlikang board room na iyon, ngunit hindi siya natitinag. Mula sa glass panel ay tanaw ang makabago’t matayog na lungsod, sentro ng agham, teknolohiya, at kayabangan. Pero ngayong araw… ito ang araw niya.Poised. Elegant. Suot ni Trixie ang isang navy blue silk blazer na eksaktong tumutugma sa kanyang confidence. Sa likod niya, lumulutang ang logo ng AURA o ang Adaptive Understanding & Responsive Algorithm.Nasa gitna siya ng isang malawak na boardroom na puno ng pinakamahuhusay sa industriya, mga eksperto, investors, researchers, and legends of the field. Sa kaliwa’t kanan ng mahabang mesa ay naroon rin maging ang mga kinatawan ng AI think tanks, disaster response councils, at international urban developers. At sa gitna nilang lahat, s
Terakhir Diperbarui : 2025-05-31 Baca selengkapnya