Naging masikip ang palitan ng mga salita sa silid, bulgaran at pagaamin ng bawat isa, dahil sa damdaming may pinapasang bigat, makapal, masakit, nakakasakal. Maging ang mga tauhan no Don Rafael ay tila hindi sigurado kung dapat na silang makialam, habang pinapanood ang kanilang Boss na unti-unting nawawalan na ng kontrol. Huminga si Don Rafael na parang nanginginig na nagmamakaawa sa kanyang puso na huwag hayaan ang sarili na mabasag. Pagkatapos dumaan ang katahimikan, ay halos malumanay... na sinabi ni Don Rafael ang sumunod niyang utos. "Dalhin ninyo siya sa kotse.." Agad napaurong si Andrea. "Hindi. Hindi.." Dalawa sa mga taohan ni Don Rafael ang mabilis kumilos, agad ginawa ang sumunod na ipinag-uutos. Pero bago ito, ay tatlo sa mga lalaki ang lumapit kay Jobert, na para bang isang maling galaw lang ay sasabog ang buong silid. Si Jobert ang puntirya ng mga lalaki, habang ang babaeng si Andrea ay ipinaubaya nila sa kanilang amo. “Huwag ninyo siyang sasaktan.” sigaw ni Job
Read more