Nagmamadaling lumakad si Jobert papunta sa paligid ng bahay, unang inikot ang likod-bahay, saka ang bakuran kung saan madalas tumambay si Andrea sa umaga. Tiningnan niya ang bawat sulok, sa ilalim ng puno ng niyog, sa gilid ng lumang poso, maging sa lumang duyan na gawa sa lubid, wala. Tinawag niya pangalan nito nang ilang ulit. "Andrea!" Walang tugon. Tanging hampas lang ng alon at lagaslas ng hangin. Sunod niyang pinuntahan ang daan papuntang tabing-dagat. Sumiksik ang kaba sa dibdib niya habang pinagmamasdan ang bakas ng mga paa sa buhangin, pero hindi siya sigurado kung kay Andrea ang mga iyon. "Andrea, nandito ka ba?" Lumakad siya hanggang marating niya ang dalampasigan. Hanggang maka apak ang mga paa niya sa buhangin na nadadaanan niya, pero patuloy pa rin siya, hindi alintana ang pagod at bigat ng katawan. Wala pa ri
Huling Na-update : 2025-11-29 Magbasa pa