"Ano ba ang binabalak mo sa akin?" tanong ni Andrea kay Jobert. Bagong gising ito mula sa mahabang oras na pagkatulog. Sa katunayan siya ay natatakot. Ngunit iniisip niya na kung aalis siya para takasan ang lalaking ito ay tiyak na mahahanap siya nang kanyang ex-partner na si Don Rafael. Nagising siya sa oras na ito, na ang lalaki ay nananatiling nakatingin sa labas ng bintana ng motel. Ngunit ngayong gising na siya ay isinara ng lalaki ang bintana kung saan niya bahagyang binubuksan. Lumapit ito sa kama kung saan nanatiling nakahiga si Andrea at sinabing, "Tatapatin na kita Andrea, aaminin ko na sayo ang totoo," sagot ng lalaki na umupo sa gilid ng kama na nakaharap sa kanya. "Noong unang gabi kitang nakita, talagang nananabik na ako sa iyo. Nakuha mo ang kahinaan ko. Hindi lang basta pagnanasa ngunit tila bumalik sa akin ang nakaraan na tinapos mo na.." "Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo na tinatanong siya ni Andrea at bumangon mula sa pagkahiga. Inilayo niya ang kany
Last Updated : 2025-10-12 Read more