"Graciella—"Tigilan mo nga ako! Nakalimutan mo na bang matagal na nating pinutol ang koneksyon natin sa isat-isa? Ipapaalala ko lang sayo na kaya kita tinulungan ay dahil kay Kuya. Ngayon kung manggugulo kalang, ang mabuti pa ay umalis ka na," putol ni Graciella sa sasabihin sana ng kanyang ina.Nang makita ang determinasyon sa mga mata ni Graciella, nagkaroon ng bikig ang kanyang lalamunan. Mula kay Graciella, ibinaling niya ang atensyon niya kay Drake."Drake, alam kong masyado ng makapal ang mukha ko na humiling sayo pero wag mong hahayaan na magpunta doon si Graciella na mag-isa. Baka may mangyaring masama sa kanya sa kamay ng kanyang ama. Okay lang kahit ayaw niya akong patawarin, ang importante ay maayos ang kalagayan niya."Malungkot ang ekspresyon sa mukha ni Thelma at mukhang hindi huwad ang pag-aalala nito.Kahit na wala silang masyadong interaksyong dalawa ng ina ni Graciella, hindi lingid sa kanya ang lahat ng ginawa nito sa asawa niya noon. Nang makita niya kung paano su
Terakhir Diperbarui : 2025-08-06 Baca selengkapnya