"Bakit nga pala pinagawa tayo ni Master Levine ng ganitong palabas?" Nalilitong tanong ng isa sa mga bodyguards.Iyon ang unang beses na gumawa sila ng palabas sa harap ng isang intruder. Huminga ng malalim si Owen bago umiling."May rason si Master Levine kaya niya pinagawa sa inyo ang palabas na iyon kanina. Wala ng maraming tanong pa at magligpit na kayo ng mga gamit ninyo," maawtoridad niyang wika.Nang makaalis ang mga tauhan na inutusan niya ay agad niyang tinawagan si Master Levine para ireport ang ginawa nila. "Nagawa na namin ang inuutos ninyo, Master Levine. As expected, takot na takot si Mrs.Santiago at kumaripas ng takbo paalis. Pasusundan niyo pa rin po ba siya?""Yes. Continue observing her. Hindi siya maglalakas-loob na magpunta ng mansion kung walang nakapagasabi sa kanya kung sino ako. Sigurado akong may nag-utos sa kanya. Kailangan nating malaman kung sino ang may pakana ng lahat.""Masusunod po, Master Levine," magarang na tugon ni Owen.Ngayon ay napatunayan na nga
Terakhir Diperbarui : 2025-08-08 Baca selengkapnya