"Please, Graciella... Kahit ngayon lang... Tulungan mo ako," pagsusumamo pa nito.Panay ang iyak ni Thelma pero palihim niya paring pinagmamasdan ang reaksyon ni Graciella. Alam niya kung gaano ito kabait. At isa pa, kung hindi siya papansinin ni Graciella, may isa pa naman siyang anak.At habang nakaluhod siya sa harapan ni Graciella, nakita niyang may iilan ng panauhin ang napapadaan sa gawi nila.Isa sa mga kapitbahay ni Graciella mula sa kabilang apartment complex ang naglakas-loob na lumapit sa kanila. Kahit na ayaw niyang makialam, hindi niya mapigilan ang sarili niya matapos masaksihan ang nangyayari."Miss, paano mo naatim na hayaang lumuhod ang nanay mo sa harapan mo pa mismo? Hindi ka ba naniniwala sa karma? Matakot ka naman sa nasa itaas!"Kung normal na araw lang, madali lang namang kausap si Graciella pero hindi sa pagkakataong iyon. Dahan-dahan niyang nilingon ang babae at malamig itong tiningnan."Kapag pinatayo ko ba siya ikaw ba ang papalit sa pwesto niya at luluhod sa
Terakhir Diperbarui : 2025-07-30 Baca selengkapnya