“WHAT?” hindi makapaniwala siyang napatitig dito habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Anong klaseng kalokohan iyon? Isa pa, naririnig ba nito ang sarili nito? “What are you trying to say?”“Dad, are you even hearing your own words?” halos mapahawak siya sa kanyang sentido. Parang isang bangungot iyon sa kaniya. Hindi niya akalain na sa bibig pa mismo ng sarili niyang ama niya maririnig ang mga bagay na iyon.“Kapag nabuntis ka niya, sigurado na kahit na anong hilingin mo sa kaniya ay ibibigay niya sayo. In other words, susundin ka niya.” sabi nito sa kaniya na para bang nasisiraan ng bait, nakatawa ito habang nakatingin sa kaniya.Ang hinihiling nito ay mas malala pa kaysa sa sinabi sa kaniya ni River. Gusto nila siyang gamitin laban kay Adam, hindi pa ba sapat sa mga ito ang lahat? Ano pa ba ang gusto nila? May naramdaman siyang kirot sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon dahil dito, pakiramdam niya ay mas mahalaga pa ang mga mithiin ng mga ito kaysa kaniya na anak at kapatid nito.
Terakhir Diperbarui : 2025-11-15 Baca selengkapnya