BUMUNTONG hininga siya. “Totoo nga. Kaya mo nga ako hindi nakita sa bahay noong pumunta ka hindi ba? Sa tingin mo ba ay saan sana ako pwedeng pumunta?” tanong niya rito.“No, hindi totoo diba? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait Miri?” hindi pa rin makapaniwalang tanong nito sa kaniya na para bang isang biro lang ang sinabi niya rito.“Totoo nga, and alam mo ba kung anong ginawa namin sa dalawang araw na hindi mo ako makontak?” tumigil siya. “Yes, tama ang iniisip mo.”“What?” halos hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Vanessa. “Two whole days? Nakaya mo?”Napatawa siya ng mahina. “Nakaya naman, pero wala ng lakas halos ang katawan ko.” sagot niya rito at muling naalala kung paano siya nagmakaawa ng pauulit-ulit kay Adam na tumigil na sa pag-angkin sa kaniya ngunit hindi lang siya nito pinakinggan.“Okay ka lang? Gusto mo bang puntahan kita diyan at itakas kita?” tanong nito sa kaniya ngunit ngumiti lang siya ng mapait.“Hindi ako pwedeng tumakas dito Vanessa. I have to stay here.”
Last Updated : 2025-12-05 Read more