PAGKATAPOS magbihis ni Miri ay nagulat siya nang bigla na lang may ilapag si Adam doon. Sinundan niya ito ng tingin. “Dahil napaka-masunurin mo ngayon ay kailangan kitang bigyan ng reward.” mangiti-ngiti nitong sabi sa kaniya.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya at naguluhan. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang kulay itim na card sa mesa. Hindi na siya nagulat na mayroon itong black card, ibig sabihin lang ay napakayaman talaga nito. “Sa akin?” nakakunot ang noo niyang tanong dito.Tumango ito. “Well, napasaya at napaligaya mo ako ngayon kaya ayan.” turo nito sa black card. “Gamitin mo, mag-shopping ka kasama ang kaibigan mo.” sabi nito sa kaniya at nang marinig niya iyon ay hindi niya maiwasang hindi maging masaya pero kasabay nun ay napataas lang ang kilay niya habang nakatingin kay Adam.“Kapag ba, napapaligaya ka ng mga babae ay normal na lang sayo na bigyan mo sila ng card para pasayahin din sila?” tanong niya rito. Wala naman sa intensyon niya na itanong iyon ngunit curi
Last Updated : 2025-12-13 Read more