ANONG oras na ngunit mulat pa rin ang mga mata ni Miri. kanina pa niya sinusubukang matulog ngunit ayaw talaga siyang dalawin ng antok. Hanggang sa mga oras na iyon kasi ay ginigulo pa rin ang isip niya ng mga bagong natuklasan niya sa sarili niya. Inabot niya ang kanyang cellphone at pagkatapos ay agad na idinial ang numero ng kanyang kaibigan na si Vanessa. Nakailang ring lang ito nang sagutin nito ang tawag niya at hindi niya akalain na gising pa rin ito hanggang sa mga oras na iyon. “Miri… anong problema?” mahina at halatang naalimpungatan pa ito.“Vanessa, tulungan mo ako…” mahina niyang bulong.Napabalikwas naman ng bangon si Vanessa nang marinig ang sinabi ng kaibigan. “Anong problema Miri? Sabihin mo, sinaktan ka ba niya? Gusto mo bang tumawag na ako ng pulis? Sandali lang magbibihis lang ako at—” “Huminahon ka Vanessa, hindi. Hindi iyon tulad ng iniisip mo.” putol ni Miri sa sinasabi nito.“E anong ibig mong sabihin? Ayaw mo na tumawag pa ako ng pulis? Para makatakas ka n
Last Updated : 2025-12-16 Read more