NAPAIKTAD si Miri nang bigla na lang kagatin ng marahan ni Adam ang kanyang tiyan. “Bakit ayaw mong sumagot?” Tumitig ito sa kanyang mga mata, may apoy pa rin ang mga mata. “Kung may gusto ko sa akin ay bakit mo pa kailangang pumunta sa ganung klaseng lugar?” tanong nito sa kaniya. Akala niya ay nakalimutan na nito iyon ngunit mukhang hindi pa rin pala. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napalunok siya. Alam niya na kapag hindi niya ito sinagot ay siya lang din naman ang mahihirapan. Pumikit siya ng mariin. “Dahil, dahil… ayoko sa nararamdaman ko! Ayokong, ayokong kontrolin mo ako dahil lang sa kung ano ang nararamdaman ko.” sagot niya rito. Hindi niya sinabi ang lahat ngunit totoo pa rin naman iyon.Ayaw niyang mabaliw siya at lamunin ng nararamdaman niya dahil baka hindi na niya tuluyan pang makontrol ang sarili niya, natatakot siya. Natatakot siya sa totoo lang. Tumaas ang sulok ng labi nito. “Hindi pa ba kita nakokontrol?” balik nitong tanong sa kaniya.Natahimik siya sandali.
Last Updated : 2025-12-20 Read more