NARAMDAMAN ni Candice ang kamay na humila sa kaniya, sa isang iglap ay nasa likod na siya ni Luke noong mga oras na iyon. Kung kanina, siya ang nagpoprotekta rito, ngayon naman ay siya na ang pinoprotekatahan nito. Mabilis nitong iniliabas din ang baril sa bewang nito at itinutok iyon kay Kyle.Hindi nagtagal, bumukas ang pinto at pumasok ang mga tauhan ni Luke sa loob. Hindi niya akalaing magiging ganito kabilis ang pagkilos ni Luke at base sa ekspresyon ni Kyle ay halatang hindi nito inasahan ang eksenang iyon. Mukhang hindi ito nakapaghanda hindi katulad ni Luke. Bigla siyang hinarap ni Luke at pagkatapos ay hinaplos ang kanyang pisngi. Ang mga mata nito ay malambot na nakatitig sa kaniya. “Okay lang ba sayo na tulungan kita kahit na hindi ka humihingi ng tulong?” Nanginig ang mga labi ni Candice. For how many years, hinarap niya iyong mag-isa kahit na sobrang nahihirapan siya dahil akala niya, akala niya ay kaya niya ng mag-isa. Ang mga sulok ng kanyang mga mata ay biglang nag-i
Read more