ISANG ingay ang nagpabalik sa isip ni Candice. “Nasusunog na ang niluluto mo!” sigaw ng kapatid niya sa kaniya mula sa labas kaya doon pa lang siya parang natauhan at nagmamadaling lumabas para tingnan ito. Mabilis niyang binitawan ang kanyang cellphone at nang balikan niya ang kanyang niluluto ay hindi lang ito basta sunog kundi sunog na sunog talaga. Napahilamos na lang siya sa kanyang mukha ng wala sa oras. Doon na lumapit sa kaniya ang kapatid. “May problema ba? Para kang nawawala sa sarili mo.” komento nito.Mabilis na umiling si Candice at napa buntong hininga. “Wala pero kailangan kong lumabas ngayon.” imporma niya rito.“Diba at sabi mo ay hindi ka aalis? So iiwan mo na naman akong mag-isa rito?” may bahid ng pagtatampo ang boses nito ngunit mabilis niya itong tiningnan.“Ano ka ba, lalabas lang ako para ibili ka ng pet mo.” Doon ay biglang nagbago ang ekspresyon nito. Mabilis na nagliwanag ang mukha nito. “Yun! Sige, ayos lang ako dito!” ngumiti na rin ito sa wakas sa kani
Read more