NITONG mga nakaraang buwan, sa dami ng nangyari sa buhay nila ni River ay napakarami rin ang nagbago sa relasyon nila ng kapatid niya. Hinila siya nito patungo sa silid niya. Simula noong pilitin siya nitong gamitin laban kay Adam ay sobrang sama ng loob niya rito pero ngayon ay hindi na niya alam kung ano ba ang dapat niyang isipin. Nalilito siya. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nito. Ang mga mata nito ay seryosong nakatitig sa kaniya na may halo-halong emosyon. “Alam kong galit ka pa rin sa akin sa dami ng ginawa ko, alam kong hindi iyon mawawala kaagad pero gusto kong humingi ng tawad sayo Miri. I am really sorry…” mas naging malambot pa ang ekspresyon nito. “At, gusto kong bumawi sayo. Sa lahat ng nagawa ko.” Hindi siya sumagot kaagad. Nanatili lang siyang nakatingin dito. “Talaga bang nagsisisi ka sa mga ginawa mo?” may bahid ng sarkasmo ang kanyang boses. Hindi siya masisisi nito dahil noong una, napakahirap ng pinagdaanan niya sa kamay ni Adam. napaka harsh nit
Read more