NAKAUPO si Candice sa sofa habang pinagmamasdan ang kwintas na bigay sa kaniya noon ni Luke. hindi niya napigilang hindi mapaluha habang nakatingin dito dahil bigla na lang niyang naalala ang mga bagay na namagitan sa kanilang dalawa. Kung gaano sila kasaya, kung gaano ka perpekto ang pagsasama nila hanggang sa bigla na lang nagbago ang lahat. Bigla na lang naging ganito at sa huli, kinailangan niyang talikuran ang lalaking pinakamamahal niya. Napapikit siya kasabay ng pagragasa ng kanyang mga alaala. “Mahal na mahal kita, Candice…” bulong sa kanya ni Luke habang ang kanyang mga mata ay punong-puno ng pagmamahal habang nakatitig sa kaniya. Inisang hakbang nito ang distansya nilang dalawa bago siya nito niyakap. Mahigpit na mahigpit. “Walang babaeng makakapantay sayo at hinding-hindi na ako magmamahal pa ng iba, tandaan mo yan.” Ilang sandali pa ay hinalikan siya nito kung saan ay buong puso niya namang tinanggap dahil katulad nito, mahal na mahal niya rin si Luke. Isang hapon, ha
อ่านเพิ่มเติม